2 bagong silang na sanggol na-rescue sa basurahan

Kung hindi talaga maiiwasan ay mas makakabuti na iwan ito sa harap ng simbahan o hospital, at huwag naman sa basurahan. Hindi po basura ang sanggol, at hindi niya kasalanan...

136 0
dalwang sanggol nakita sa basurahan

Nakakadurog ng puso na makita ang mga walang kamalay-malay at walang kalaban-laban na mga bagong sanggol na basta na lamang iiwanan kung saan-saan matapos itong mailuwal.

Hindi lamang isa kundi dalawang bagong silang na sanggol ang nakita ng basurero sa isang basurahan habang ginagawa niya ang kanyang daily routine.

Makikita sa video na buhay pa ang dalawang bata ng ito ay iniwan sa basurahan. Tila malulusog ngunit sadyang maliliit ang mga ito. Mabuti na lamang at narinig ng basurero ang iyak ng dalawang sanggol.

Nawa ay magbigay leksiyon ito sa mga magulang at kabataan na walang plano at tila laru-laro lamang ang pakikipagtalik. Nawa ay madurog ang kanilang mga damdamin upang pag-isipang mabuti ang pinaplanong kalandian sa opposite sex.

Kung biktima naman ng rape babae na nagdadalang tao ay may mga taong maaring tumulong sa pagpapalaki sa bata kung sakaling ayaw ng ina na kupkupin ang isisilang na sanggol.

Kung hindi talaga maiiwasan ay mas makakabuti na iwan ito sa harap ng simbahan, munisipyo, DSWD, paaralan, health center, o hospital, at huwag naman sa basurahan. Hindi po basura ang sanggol, at hindi niya kasalanan na siya ay mabuhay at isilang.

READ  Kangkong na may linta, isinisisi sa pagkamatay ng bata

Panoorin ang pag-rescue sa dalawang sanggol na nakita ng isang basurero.

In this article

Join the Conversation