fbpx

Accomplishments ni P. Duterte in 2 years alone ayon kay Sen. Lacson

Gamit ang kanyang Twitter account, inilista ni Senator Lacson ang mga accomplishments ng kasalukuyang administrasyon na nangyari sa loob lamang ng dalawang taong panunungkulan sa bayan.

0
201 Shares

Mismong ang Senador na si Ping Lacson ang nag-enumerate sa ilang mga na-accomplished ng Pangulong Rodrigo Duterte sa loob lamang ng dalawang taong panunungkulan nito.

Gamit ang kanyang Twitter account, inilista ni Senator Lacson ang mga accomplishments ng kasalukuyang administrasyon na nangyari sa loob lamang ng dalawang taong panunungkulan sa bayan.

1.  Marawi liberation

Matatandaang nagmistulang ghost town at urban battlefield ang Marawi dahil sa pag-okupa ng mga teroristang ISIL. Marami rin ang namatay sa panig ng mga terorista at gayon din sa gobyerno. Ganunpaman ay matagumpay itong natapos dahil na rin sa paninindigan ng Pangulo laban sa mga terorista.

2.  Boracay rehabilitation

Matapos tawagin ni Pangulong Duterte na “cesspool” ang Boracay noong February 9 ay inanunsyo niya ang planong pagsasara nito upang mai-rehabilitate.

Binigyan ng Pangulo ang kanyang gabinete ng ng ultimatum na anim na buwang paglilinis ng Boracay at kung hindi mangyayari iyon ay kapalit nito ang pagsisante sa kanila.

Dahil dito ay inumpisahan ng gobyerno na pansamantalang sarhan ang Boracay noong April 26. Nagbunsod ito ng pagkakaalam ng mga iba’t-ibang violations ng mga business owners sa nasabing isla.

October 26 ang itinalagang muling pagbubukas ng Boracay ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu

3.  Mighty Corp settled Php 30B tax case

30 bilyong piso ang ibinayad ng Tobacco Giant Mighty Corporation sa gobyerno matapos mapatunayang hindi nagbabayad ng tamang buwis ang nasabing kumpanya.

Ibinunyag ni Pangulong Duterte na gumagamit umano ng counterfeit na tax stamps ang Might Corp upang makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

Upang makaiwas sa criminal charges ay napilitan ang kumpanya na magbigay ng malaking halaga sa gobyerno upang ma-settle na ang kaso.

4. PAL Settled PHP 6B debt to govt

Sampung araw ang ibinigay na palugit ni Pangulong Duterte kay Lucio Tan, CEO ng Philippine Airlines (PAL), upang magbayad ng utang nito sa gobyerno na nagkakahalaga ng 6 bilyon pesos.

READ  BREAKING: Bagsak presyo sa voice call at SMS rates, kasado na! Salamat Pres. Duterte!

Bilang resulta ay nagbayad ang PAL ng nasabing halaga sa gobyerno upang matapos na ang napakatagal ng utang ng nasabing kumpanya.

Nabanggit rin ng Pangulo na nag-offer umano ng malaking halaga si Lucio Tan noong panahon ng election, ngunit hindi ito tinanggap ng Pangulo dahil alam niyang may malaking utang ito sa gobyerno.

5. Sunvar vacated Mile long property

Ayon kay Pangulong Duterte, ang Mile Long property ay pag-aari umano ng gobyerno at ito ay pinaupahan sa mga Prieto at Rufino noong 1982 hanggang 2002. Ngunit hanggang 2017 ay naroon pa rin ang dalawang pamilya at hindi umaalis sa nasabing property.

“Economic sabotage” ang inalok ni Pangulong Duterte sa dalawang pamilya at pagkakakulong ng walang bail upang maranasan ang buhay sa bilangguan.

Noong August 2016 ang Sunvar Realty Development Corporation ay umalis at binakante ang nasabing property.

6. Congress passed the Bangsa Moro Organic Law

Ang Bangsa Moro Organic Law ay magbibigay daan para mabuo ang Bangsamoro Autonomous Region upang mapalitan ang kasalukuyang ARMM.

Ang Bangsamoro government ay magiging parliamentary-democratic at pangungunahan ng isang regional leader na tatawaging Chief Minister.

Inaasahang pipirmahan ni Pangulong Duterte ang nasabing Bangsamoro Organic Law sa kanyang SONA.

7. Solgen won quo warranto case vs ex CJ

Noong Mayo 2018 ay kaunaunahang napaalis sa pwesto bilang Chief Justice ng Supreme Court si Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Walong Associate Justices ang bumoto pabor sa pagpapatalsik kay Cereno.

Narito ang post ni Senador Lacson sa kanyang Twitter account:

201 Shares
In this article


Join the Conversation