fbpx

Babaeng nakabangga sa bata, umalis na lang na parang walang nangyari.

Sa huling bahagi ng video ay tila nawalan ng malay ang bata. Nag-aalala ang mga nakapanood na maaaring may hindi magandang nangyari sa loob ng ulo ng bata.

0
pilipinas-bata-nabanggan
15 Shares

Hindi sinasadyang nabundol ng isang ginang ang batang naglalaro malapit sa isang stall ng mga pandindang damit. Malakas ang pagkakabagsak ng ulo at katawan ng bata sa semento dahil mabilis rin at tila nagmamadali ang ginang sa paglalakad.

Makikita sa video kung paano at gaano kalakas ang pagkabagsak ng bata sa semento, ngunit nagawa din nitong umupo at maalalayan ng mga nakatatandang nakapalibot sa kanya.

Ang hindi matanggap ng mga nakapanood sa video ay kung bakit tila walang nangyari sa panig ng babaeng nakabangga sa bata. Nilampasan niya lamang ang bata at agarang umalis. Mabuti na lamang at mayroong mga taong nakapalibot at umalalay sa batang babae.

Dahil dito ay hindi maiwasan ng marami na manggigil sa galit sa babaeng nakabangga sa bata dahil tila walang nangyari para dito, umalis na lang ang babae na wala man lang pagpapakita ng pag-aalala sa bata.

“Nagmamadali sya halata nga pero yun bang makaaksidente kang makabangga ng bata at kitang kita naman na malakas ang pagkakabagsak ng bata at yung ulo nya natama sa floor ng malakas. Expected na yun na hihinto ka at magsosorry or ask mo if okay lang ba yung bata! Kaso dire diretso na parang walang nangyare. Konsensya naman sana. Nasa magandang company ka nagwowork then ganyan e’aasta mo. Hay sana okay lang si baby girl. Nakakapanggigil yung mga ganto,” ayon kay Lyanna Refil Exiomo.

READ  Lolo na ice cream vendor na na-hit-and-run ng jeep, umaasang matutulungan ng may magandang loob

Sa huling bahagi ng video ay tila nawalan ng malay ang bata. Nag-aalala ang mga nakapanood na maaaring may hindi magandang nangyari sa loob ng ulo ng bata.

Ayon kay Marife Boloy, isang netizen, ay dapat idinala daw agad sa ospital ang bata.

“Bakit d nila itakbo sa hospital nka upo lang sila nahimatay n nga yong bata at yong nka bangga hilahin nila pupunta sa opital para malaman nya ang mgyari kong ako nanay nyn yari sakin babae n yn d man lng ng sorry.”

Aaksyunan naman daw ng kumpanya ng LBC ang nasabing insedente:

“Hi Ka-LBC, this is regarding the raised concern of Ms. Mary Grace Macaubos. Makakaasa po kayo na ang ganitong klaseng pangyayari ay hindi namin ito-tolerate. Kami po ay kasalukuyan ng nakikipa-ugnayan kay Ms. Macaubos para sa karagdagang detalye. Salamat po. –Ella of LBC Express”

Kung ikaw ang kamag-anak o magulang ng bata, ano ang nararapat mong gawin?

15 Shares
In this article

Join the Conversation