fbpx

BREAKING: Bagsak presyo sa voice call at SMS rates, kasado na! Salamat Pres. Duterte!

"Interconnection charges lowered - voice calls from P2.50 per minute (the highest in the ASEAN) to just P0.50 per minute; SMS from P0.15 to just P0.05"

0
bagsak presyo ng voice call at sms rates c
286 Shares

Isa sa mga pangako ni Pangulong Duterte ang pababain ang voice call at text rates o fee na ibinabayad sa mga telecommunications company tulad ng SMART at Globe.

“We shall, therefore, lower interconnection rates between all industry players. Not only to lessen the cost to the consumers as it will also lower the costs [for the] incoming player to access existing networks, [thereby creating] a market environment that is more conducive to competition,” ayon kay Pangulong Duterte noong nakaraang SONA2018.

Ayon kay Eliseo Rio Jr., Officer-in-charge ng Department of Information, Communications, and Technology, ito ay may katuparan na! Wala pang isang linggo o isang buwan ay natupad na! Ika nga eh mas mabilis pa sa alas-kuwatro!

Gamit ang kanyang Facebook account ay ipinost ni Eliseo Rio Jr. ang magandang balita:

“Interconnection charges lowered – voice calls from P2.50 per minute (the highest in the ASEAN) to just P0.50 per minute; SMS from P0.15 to just P0.05”

Mula sa P2.50 per minute ay magiging P0.50 per minute na lang ang voice call. Ang SMS naman o mas kilala sa text ay bababa ng P0.05 mula sa dating P0.15.

READ  Pagbabago sa EDSA: Mga provincial buses hindi na papasukin sa EDSA mula July 16

Ang dating voice call rate na P2.50 ay siyang pinakamataas sa ASEAN region. Bagaman mataas ang dating voice call rate ay talamak pa rin ang reklamo dahil kalimitan ay walang signal sa maraming lugar, dahilan upang pagtiyagaan na lamang ng mga Filipino.

Ngunit ngayon panunungkulan ni Pangulong Duterte ay malaki ang mararamdamang pagbabago ng mga Filipino! Ito na marahil ang isa sa mga pangako na natupad ni Pangulong Duterte na tiyak na mararamdaman ng bawat Filipino.

Ang Pilipinas ay sinasabing “SMS capital ng mundo” dahil mahilig ang mga Filipino mag-text sa halip na tawag. Ngunit tila magbabago ito ngayong bumaba na ang voice call rate sa Pilipinas. Ganunpaman, mas bumaba na rin ang SMS rate, kaya posible rin na mas marami pa ang mag-stick sa text messaging.

Ano sa tingin mo ang mga possibilities na pagbabago sa buhay ng mga Filipino ngayon bumaba na ng husto ang voice call at SMS rates? Anong mga hanapbuhay ang nakikita mong uusbong dahil dito?

Huwag kalimutang i-SHARE ang magandang balitang ito!

286 Shares
In this article


Join the Conversation