Category: Politics

Kabataan Partylist, nagre-recruit ng mga kabataan para sa CPP-NPA?

sarah elago satur ocampo

Pinopondohan ng pera ng bayan habang nagre-recruit ng mga kasapi para sa CPP-NPA?

Ipinost ng isang makakanan na Facebook Page account, Right Wing Philippines, ang isang photo na kung saan ay makikita si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago kasama si Satur Ocampo na naglalakad sa isang madamong lugar, nagpapahiwatig na nasa kabundukan ang grupo.

“Kabataan Partylist Representative Sarah Elago along with CPP Member Satur Ocampo and Youths Recruited by Legal Fronts in an Unknown Location,” ayon sa post ng Right Wing Philippines.

Ayon sa mga netizens, ang picture umano ay sapat na upang mapatunayan na ang mga kabataang aktibo sa nasabing partido ay inire-recruit upang sumapi sa New People’s Army (NPA) ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon rin sa nasabing Facebook page ay dinadala umano ang mga kabataan sa kampo ng NPA upang maging terorista at kalaban ng gobyerno.

“Those Guys are Bringing their Recruits to the NPA Camp to Become Terrorists. The Intel on Red October School Recruit is legit,” dagdag ng nasabing Facebook page.

Matatandaang ipinahayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga schools particular sa ka-Maynilaan na nagre-recruit ng mga estudyante upang sumapi sa rebeldeng grupo.

Ang pagre-recruit ng mga NPA sa mga estudyante ay hindi na kataka-taka ayon sa dating Malacanang Spokesman na si Harry Roque, ngunit hindi daw ito gagawin bilang hayagan bagkus ay patago. Si Roque ay dating professor din sa University of the Philippines.

Ano ang masasabi mo dito?

FVR: Duterte is on the verge of transforming PH as exemplar to UN 193-member-nations

fvr to duterte

Pinagpugayan ni dating Presidente Fidel V. Ramos ang pamumuno ni President Duterte bilang ‘kapitan’ ng bansang Pilipinas matapos ang mahigit dalawang taong panunungkulan nito bilang leader ng 105 milyong Filipinos.

Inihalintulad ni Ramos ang bansa sa isang barko na kung saan ay patuloy ang paglalayag sa gitna ng samu’t-saring delubyo.

Dahil sa maayos na pamamalakad ni Pangulong Duterte ay papunta na umano sa pagiging ‘exemplar’ o modelo ang Pilipinas para sa 193 na mga bansang kasapi sa United Nations (UN).

“He [Duterte] is on the verge of achieving the transformation of the Philippines into an exemplar among the 193-member-nations of the UN. But he must make a 90-degree turn to assume the harder role of ‘Skipper of the Ship’ away from the traditional position of ‘Command-in-Chief’ which emphasizes the military and police,” ayon kay dating Pangulong Ramos.

Binanggit ito ni Ramos sa kanyang speech kaugnay ng launching ng kanyang aklat na “Proper thy Neighbor” sa Centennial Room sa Manila Hotel na dinaluhan ng iba’t-ibang kilalang tao kabilang na si Pangulong Duterte.

“President’s term is a wonderful opportunity to ‘receive the baton’ of responsible governance and leadership from the Filipino people who have done their share of national building, and to continue to strive for humankind’s never-ending aspiration for a better future,” dagdag ni Ramos.

Bagaman pinuno ng iba’t-ibang sakuna ay patuloy pa at taas noong lumalayag ang bansang Pilipinas, at ang gampanin ni Pangulong Duterte bilang ‘Master of the Fate’ ng mga Filipinos ay mahalagang bagay.

“Such an important role as ‘Master of the Fate’ of 105 million Filipinos plus thousands of foreign allies who are now the passengers of our Ship of State ‘Pilipinas’ now developed by PRRD (President Duterte) as skipper of our weather-beaten, constantly embattled, but still seaworthy and proud Ship of State,” dagdag ni Ramos.

Kamakailan lamang ay napabilang muli ang Pilipinas sa UN Human Rights Council na nagpapakita umano na marami pa rin sa international community ang nagtitiwala sa paggalang ng Pilipinas sa human rights.

Source: ptvnews.ph

SAP Bong Go, may mahalagang paalala sa lahat ng empleyado ng gobyerno kaugnay ng viral video ni Cong. Bertiz

Maging dilawan man o DDS ay nagkakaisa sa gigil at pagkayamot laban sa inasal ni ACTS OFW Partylist Representative Aniceto Bertiz III ng dumaan ito sa physical screening sa NAIA.

Makikita sa video na kumalat sa Internet na mistulang naghari-harian si Cong. Bertiz ng aktong kakapkapan sana bilang bahagi ng normal security routine sa NAIA. Marami ang nagalit sa nakita nila sa video.

Bukod dito ay kumalat rin ang isa pang video na kung saan ay nakikipagsigawan ang nasabing Congressman sa isang leader ng OFW sa Hongkong.

Sa videong nabanggit ay makailang beses na dinuro ni Cong. Bertiz ang matagal ng leader ng OFWs sa nasabing bansa.

Si Cong Bertiz rin ang nag-apology kamakailan dahil sa ‘joke’ nito sa panahon ng panunumpa ng mga bagong engineers. Hindi daw bibigyan ng license ang mga hindi nakakakilala kay Bong Go.

Dahil dito ay nagbigay ng mensahe si SAP Bong Go sa mga kawani at empleyado ng gobyerno:

STATEMENT OF SAP BONG GO:

Pinapa-alalahanan ko lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na maging tamang ehemplo sa ating mga mamamayan. Andito tayo sa gobyerno para magsilbi sa kapwa at hindi pagsilbihan o mabigyan ng special treatment.

It has always been our practice, even in Davao City when the President was still mayor, to follow rules, directives and procedure. As government officials, we were never exempted from adhering to such. In fact, the President himself will not ask us to be spared from yielding to authority and respecting the law.

Ang security check sa mga airports ay para rin sa ating kaligtasan kung kaya’t dapat tayo sumunod sa patakaran. Walang exemptions dapat. Habang totoo po na si Congressman Bertiz ay isang kaibigan, hindi ko kontrolado ang mga sinasabi at ginagawa niya. Siya na po ang mag-explain kung ano talaga ang tunay na nangyari doon sa video na nag-viral.

Maging leksyon sana ito sa lahat ng nasa gobyerno. Importante ang disiplina para umunlad. Ang disiplina at mabuting ugali ay dapat magsimula sa atin.

#gophilippinesgo

Sa post ay makikita ang dalawang photos na kung saan maging si Pangulong Duterte mismo ay kusang itinataas ang kamay upang sumailalim sa normal security check ng NAIA.

Ano po masasabi nyo dito?

Alamin ang matinding dahilan kung bakit hindi uubra ang ‘Oust Duterte’ plan!

oust duterte plan hindi uubra

Malakas ang ugong sa planong pagpapatalsik ng mga NPA at left-leaning groups kay Pangulong Duterte kamakailan. Ang Pangulong Duterte mismo ang nagkumpirma na ang mga “pulahan at dilawan” ay ang mga nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.

Marahil ay dahil sa inggit, kurapsyon, droga o anupamang masamang layunin laban sa bayan ay kaya nila naiisip na paalisin ang Pangulong Duterte sa Malacanang sa lalung madaling panahon.

Totoong may mga nababanggit ang Pangulo na tila hindi maganda sa pandinig at panlasa ng iba ngunit hindi ito malaking issue sa karamihang Pilipino na nakikita ang totoong ginagawa ng Pangulong Duterte para sa bansa.

Mas mahalaga na manatili ang Pangulong Duterte bilang leader ng bansa na binigyan ng sambayanan ng mandato upang maipagpatuloy ang pagsugpo sa kurapsyon at illegal na droga sa buong bansa.

Ito ang sumasalamin sa latest trust rating survey ng Social Weather Station (SWS). Sa kabila ng gustong pagpapatalsik ng mga opposition laban kay Pangulong Duterte ay patuloy pa rin ang mataas na tiwala ng mga Pilipino sa kanya.

Duterte's trust rating

SWS

Ito ang matinding dahilan kaya anumang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte ay hindi uubra, dahil ang mga Filipino mismo ay mataas pa rin ang suporta sa Pangulo.

Nagpapakita lamang ito na ang suporta mo, kahit na sa tingin mo ay maliit lamang, ngunit kung pagsasamasamahin ay malaking tinik sa mga opposition.

Ipagpapatuloy mo ba ang pagsuporta sa Pangulong Duterte?

 

Salamat P. Duterte sa mas pinabilis na pagkuha ng passport!

passport 6 working days

Mula October 1 ay mas pinaikli na ang araw ng paghihintay para makuha ang Philippine passport. Ang dati-rati na 15-20 working days na paghihintay ay ginawang 12 days na lamang. Kung papadaanin pa sa Express Processing ay hanggang 6 working days na lamang!

Ang pagtulong upang maibsan ang mga paghihirap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay isa sa mga priorities ni Pangulong Duterte. Bilang namumuno sa Department of Foreign Affairs ay nagbigay ng pangako si Secretary Alan Peter Cayetano kay Pangulong Duterte at sa kababayang Filipino upang maisakatuparan ang kagustuhan ng Pangulo na makatulong sa mga OFWs.

“We made a promise to the President and to our kababayan that we will work hard to give them fast, efficient, and secure passport services… Shortening the length of time our kababayan would have to wait before they could receive their passports is part of that promise,” ayon kay DFA Sec. Cayetano.

Ang pagpapaikli ng pagkuha ng pasaporte ay isang malaking tulong sa mga Filipinong nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.

Kasalukuyan na rin pinag-aaralan kung paano paiikliin ang paghihintay ng pagkuha ng passport sa mga Filipino na nasa ibang bansa sa pamamagitan ng mga Philippine Embassies and Consulates General sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay maabot sa dalawang buwan ang paghihintay ng mga Filipinong nais kumuha ng passport o mag-renew ng passport.

Ipinagmamalaki ngayon ng DFA na sa maikling panahon ay nakapag-proseso sila ng halos 20,000 na mga pasaporte sa isang araw.

“From the 9,500 passports that were being processed daily in May last year, we have increased our capacity to almost 20,000 passports a day. We endeavor to increase this number to 30,000 by the end of the year,” the Secretary said.

“Providing better passport services is at the heart of our work at the DFA,” dagdag ni Secretary Cayetano.

passport_releasing_schedule_3

DFA

 

“Lives of Filipinos in the Middle East is of national interest, kaya ako nandito!” – Pres. Duterte

lives of filipino is of national interest

Mariing pinagdiinan ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa harap ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Israel ang kahalagahan ng buhay ng mga Filipinos sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, itinuturing ng kanyang administrasyon na “national interest” ang buhay ng mga Filipino na malayo sa kani-kanilang pamilya lalu na ang nasa Middle East.

“The lives of Filipinos in the Middle East is of national interest, kaya ako nandito,” ayon sa Pangulong Duterte.

Ito ang isang dahilan kung bakit ang Pangulo ay bumisita sa Israel, kauna-unahan sa history ng mga pangulo ng Pilipinas na bumisita sa bansang Israel o Holy Land.

Napaiyak rin ang Pangulo matapos umawit dahil sa sigla ng mga kababayan habang ipinagdidiwang ang pagbisita ng Pangulo.

“This is my first time na napaluha ako na bumisita sa mga kababayan nating Filipino. Nakikita ko na happy ko kayo, it gives me the greatest pleasure… that I have done something to make my fellow Filipino brothers and sisters happy,” dagdag ng Pangulo.

Maliban dito ay sinagot rin ni Pangulong Duterte ang akusasyon at intriga sa kanya na hindi umano siya naniniwala sa Dios.

“I believe in the Supreme God that my father and my mother passed unto me. So huwag kayong maniwala sa intriga na hindi ako naniniwala sa Dios. Pulitika lang yan.”

Hindi rin maitago ni Pangulong Duterte ang pagpapasalamat ng kanyang puso bilang ama ng bansang Pilipinas dahil sa mabuting pakikitungo ng gobyernong Israel sa mga Filipinong naninirahan sa Israel.

“I would like to thank Israel for inviting me to visit the Holy Land. I would also like to say ‘Thank You’ for hosting so many of my countrymen of this state of Israel, and for being good to my countrymen”

Ang pagpunta sa Israel ay pagkakataon rin para ipaalam sa gobyernong Israel ang kahandaan ni Pangulong Duterte na makipagtulungan sa kanila lalu na’t sa ikabubuti ng mga OFWs doon.

“I will have to dialogue to the Israeli government, tingnan ko kung ano maitulong ko para mas mapabuti pa ang kalagayan ng kapwa ko Filipino.”

 

(video: Radyo Pilipinas)

Israelis masayang sinalubong ang pagdating ni President Duterte sa kanilang bansa!

Israelis welcome Duterte

Ibinahagi ni Grace Racho Galindez, kinikilalang prophetess at spiritual adviser ni Pangulong Duterte, ang isang video kung saan nagce-celebrate ang mga Israeli sa pagdating ng kauna-unahang presidente ng Pilipinas na dumalaw sa bansang Israel.

Makikita sa video na masasayang isinisigaw ng mga Israeli ang pangalan ng Pangulo habang kasama ang ilang mga Filipinos na nakikihalobilo sa kanilang kasayahan.

Iwinawagay naman ng ilang Israeli ang parehas na flags ng Pilipinas at Israel habang tumatalon at isinisigaw ang pangalan ni Pangulong Duterte.

Hindi maitatago ang kanilang kaligayahan sa pagdalaw ng Pangulong Duterte sa bansa ng Israel. Pagkakataon na rin ng mga OFWs doon na makahalobilo at makita ang kanilang inspiration na si Pangulong Duterte.

Ang Israel at bansang Pilipinas ay may magandang history ng pagsasamahan. Maraming Jews noong panahon ni Hitler ang kinupkop ng mga Filipino upang mailigtas sa pamumuno ni Hitler.

Mapapanood sa ibaba ang video na kung saan ay masayang sinalubong ng ilang Israeli ang pagdating ng Pangulong Duterte sa bansang Israel.

Huwag kalimutang i-share ang mga magagandang nagagawa ng administrasyon ng Pangulong Duterte.

WATCH: OFW sa Amerika, galit na galit na pinagmumura si Sen. Trillanes. Alamin kung bakit…

OFW sa America galit na galit kay Trillanes

Galit na galit ang isang OFW sa America ng magbigay ito ng mensahe para kay Senator Antonio Trillanes IV sa pamamagitan ng isang video.

Ayon sa kanya ay si Senador Trillanes na umano ang pinakagagong senador sa Pilipinas na nakilala niya.

“Ikaw na ang pinakagagong senador sa Plipinas na nakilala namin. Pati dito sa Amerika gusto mong sabihin na tinatangkilik ka namin? Ilalampaso ka namin dito, tandaan mo yan. Sobra na ginagawa mong paninira sa gobyerno ng Pilipinas. isa kang senador, isa kang traydor sa bayan,” ayon sa kanya.

Hindi lamang sa nasabing senador ibinuhos ang galit ng nasabing netizen kundi pati na rin sa iba pang mga miyembro ng opposition.

“Tingnan mo mga kasamahan mo. Pare-parehas kayong mga gago at mga sira ulo. Oh, tingnan mo noong nakaraang administrasyon..,” pagpapatuloy ng matandang OFW.

Pinuna niya rin ang umano’y paggasta sa pondo para sa Yolanda typhoon victims na maraami umano sa kanilang mga OFW sa America ang nag-contribute ng salapi para makatulong sa mga nasalanta, nungit nauiwi umano sa wala.

Pati si Senator Risa Hontiveros ay hindi rin nakaligtas sa panggagalaiti ng nasabing OFW. Hindi raw ma-explain ni Senator Hontiveros kung anong nangyari sa “mga nawawalang milyong-milyong pondo” ng Philhealth.

Si Congressman Edcel Lagman ay kasama rin sa tinamaan ng galit. Marami umanong kaso sa Ombudsman ang nasabing Bicolano representative na hindi maipaliwanag mismo ni Lagman.

Isinisi naman niya ang pagdami umano ng kriminalidad sa bansa sa hanay ng mga kabataan kay Senator Kiko Pangilinan dahil umano sa Pangilinan Law ng nasabing senador na ginawang 15 years old ang criminal liability sa halip na nine.

Matapos isa-isahin ang iba pang mga miyembro ng opposition ay bumalik siya sa pag-atake kay Senator Trillanes IV.

“Tapos sobrang yabang mo, pupunta ka ng America, maninira ka dito, tarantado ka!” pagpapatuloy ng OFW.

Maaaring mapanood ang viral video sa ibaba.

Ano ang masasabi mo dito?

Solar-powered irrigation systems sa buong bansa, nasimulan na!

SOLAR POWERED NA PATUBIG

Tinatayang aabot ng 500,000 ektarya ng sakahan ang kailangang ma-supply-an ng tubig (irrigation) upang makamit ang rice self-sufficiency sa taong 2020.

Dahil dito ay isinakatuparan na ng pamahalaang Duterte sa pamamagitan ng Department of Agriculture ang paglalagay ng Solar Powered Irrigation Systems (SPIS) sa iba’t-ibang locations sa bansa.

Kapag nakumpleto ang nasabing plano ay magdaragdag ito ng walong metric tons per hectare na supply ng palay kada taon. Sapat na umano ito upang pakainin lalu na ang mga mahihirap na Pilipino maging sa panahon ng post-harvest seasons.

“A rice field producing four metric tons per year without effective irrigation can produce six metric tons two times a year when consistent water supply is maintained. With that estimate, we’ll be able to yield an additional eight metric tons per hectare every year from the additional 500,000 hectare irrigated farmland, which is equivalent to four million metric tons. This is enough to feed our people, even with post-harvest losses considered,” pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ang nasabing patubig (irrigation) na gamit ang solar energy ay kinukunsidera na “thinking outside the box” ni DA Secretary Pinol.

“We need to think outside the box if we want to achieve rice self-sufficiency,” ayon kay Sec. Piñol

Noong Agosto 20 ay na-turnover na ang kauna-unahang functional na SPIS sa Brgy. New Janiuay, M’lang, North Cotabato. Hangad ng DA na malagyan pa ng parehas na sistema ang iba pang bahagi na lugar sa Pilipinas ayon sa plano.

Dahil sa SPIS ay inaasahan na magiging doble ang turnout ng mga bigas sa isang taon at aabot ito ng 120 sako kada hektarya sa panahon ng cropping season.

“Our country has a 3.9 million (M) hectares of land for farming, but only 1.2M hectares has effective irrigation. This leaves us with 2.7M hectares of unirrigated farmlands,” paliwanag ni Piñol.

“Remember that food grows where water flows, and we need good and efficient irrigation systems if we want to attain our rice self-sufficiency target,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay mayrron pang 169 na SPIS ang itinatayo sa buong bansa at inaasahang tataas pa ang bilang nito matapos maaprubahan ang P44 bilyon na budget.

Please SHARE kung ito ay good news para sayo at sa buong Pilipino!

(Source: www.da.gov.ph)

Imee Marcos, tuloy na tuloy na sa Senado!

imee marcos sa senado

Tuloy na tuloy na ang pagtakbo sa senado ni Madam Imee Marcos, anak ni dating Presidente Ferdinand Marcos Sr!

Hindi daw iiwan ng dating Senador na si Bongbong Marcos ang laban sa recount ng resulta ng pagka-Vice President kontra kay Leni Robredo.

Mas pinili ni Bongbong na ipagpatuloy at makita ng taumbayan ang katotohanan sa nasabing vice-presidential elections kesa iwan ito at tumakbong senador sa 2019 national elections.

Dahil dito ay si Madam Imee ang tatakbong senador sa pamilya ng mga Marcos. Ito ang unang pagtakbo ni Madam Imee sa senado.

Kinokunsidera na ng marami na pasok na pasok na ang pagiging senador ni Madam Imee lalu pa’t inindorso ito ni Mayro Sarah Carpio-Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama is Madam Imee sa lineup ng mga senatorial candidates na isinapubliko kamakailan lamang ng Hugpong ng Pagbabago. Narito ang iba pang mga line-up na iniindorso ni Mayor Sarah Duterte:

– Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque
– Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” dela Rosa
– Sen. JV Ejercito
– Ilocos Gov. Imee Marcos
– Taguig Rep. Pia Cayetano
– Sen. Cynthia Villar
– Sen. Sonny Angara
– Maguindanao Rep. Zajid “Dong” Mangudadatu
– Special assistant to the President Christopher “Bong” Go

Ngayon pa lamang ay may mga programa at plano na si Madam Imee Marcos para sa mga kababayang Filipino, lalu na sa mga naapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin.

Sa video ay mapapanood ang concern ni Madam Imee sa mga pumapasada at estudyante. Apektado kasi ang mga ito ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Susuportahan mo ba si Madam Imee Marcos sa pagiging senador ng Pilipinas?