Category: Politics

Pinuri ng UN Migration Agency si P. Duterte dahil sa pagsasabatas ng BOL

IOM Duterte BOL

Pinuri ng International Organization for Migration (IOM) ng United Nations (UN) ang leadership ni Pangulong Duterte dahil sa pagpirma at pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa pamamagitan ng isang sulat na binasa ni IOM Philippines Chief of Mission Kristin Dadey noong nakipagpulong ito kay Presidential Peace Adviser Jesus G. Dureza, sinabi ni IOM Director General William Lacy Swing na ang pamumuno ni President Duterte ay tapat sa ipinangakong pagbibigay ng kapayapaan at seguridad sa Mindanao.

Ang pagsasabatas ng BOL ay nagbibigay umano ng karapatan at pribelehiyo sa mga Filipinong Moro na magkaroon ng sariling pamamahala sa kanilang mga minanang lupa sa Mindanao.

Idinagdag rin ni IOM na lubos at patuloy ang suporta nito sa gobyerno at sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang manatili ang kapayapaan ang pag-unlad ng mga taong naninirahan sa Mindanao.

IOM BOL Dureza

“IOM remains ready to assist with the socio-economic development of the Bangsamoro region and to the transition of the MILF base camps into productive and peaceful communities,” ayon sa sulat ni Swing.

Noong 2017 ng Abril, isinama ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang IOM bilang isa sa kanilang implementing partners para sa 2017 PAyapa at MAsaganang PamayaNAn projects (PAMANA) partikular na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Bilang tugon ay pinasalamatan ni Secretary Jesus Dureza ang IOM dahil sa commitment at suporta nito sa mga programang pangkapayapaan ng gobyerno.

“Right now, all hands on deck, with our (GPH-MILF Implementing) panels leading on how to move forward with normalization. Any assistance that IOM could provide should be part of that whole effort,” ayon kay Sec. Dureza.

(Source/photos: peace.gov.ph)

Alamin kung bakit delikado rin si Trillanes sa kasong plunder ayon kay Erwin Tulfo

erwin to trillanes and hontiveros

Hindi talaga maiiwasan na magkasagupa sina Erwin Tulfo at Senator Antonio Trillanes IV dahil parehas itong may bala kumbaga sa giyera.

Dahil sa planong pagsampa ng kaso ni Sen. Trillanes sa Tulfo brothers ng kasong plunder ay binalikan ni Erwin Tulfo ang kaso ni Sen. Trillanes sa Ombudsman. Sa kasong iyon ay pinasweldo umano ng Senador ang 63 consultants kasama ang kapatid mismo ni Sen. Trillanes na umabot sa P1.63 (million) a month.

Isa sa mga factors para makasuhan ng plunder ay dapat kasama sa mga nakipagsabwatan at nakinabang ay kamag-anak ng taong nasa gobyerno na sangkot sa kaso. Ang pagiging kapatid ni Erwin Tulfo kay dating Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Tulfo-Teo ang isa sa mga dahilan kaya ayon kay Sen. Trillanes ay plunder dapat ang kaso laban sa mga Tulfo brothers sa pagbibigay umano ng pabor ng DOT sa Bitag Media Productions na pag-aari ng mga Tulfos.

Hindi rin nakaligtas si Senator Risa Hontiveros sa maaanghang na pananalita ni Erwin Tulfo sa kanyang radio program. Ayon kay Erwin, isoli din daw dapat ng Philhealth officials (kasama noon ang nasabing Senador) ang “P1.7 billion na mga bonuses at allowances ng ipinamudod nila sa kanilang sarili” gayong galing sa mga members’ contributions ang mga nasabing salapi.

Ang pagsasauli ng ibinayad ng DOT sa Kilos Ponto (Bitag Media Productions) ang isa rin sa gustong ipagawa ng mga tao laban sa Tulfo brothers. Kaya ito rin ang gustong pagawin ni Erwin kay Senator Hontiveros.

Narito ang post ni Erwin Tulfo sa kanyang Facebook page:

1. PLUNDER PALA HA, TRILLANES???!!!

E, ano na rin kaya ang nangyari sa kaso ni Sen. Trillanes na pinasweldo niya ang 63 consultants niya KABILANG ANG KAPATID NIYA na umabot sa P1.63 a month? OMBUDSMAN KUMUSTA NA PO???

2. DAPAT DAW ISOLI ANG PONDO ANI HONTIVEROS!!!

Kaya naman pala since 2013 walang imik si Sen. Hontiveros sa utos ng COA na isoli ng mga opisyal ng PHILHEALTH (KABILANG SI HONTIVEROS BILANG BOARD MEMBER NITO ) ang P1.7 BILLION na mga bonuses at allowances na ipinamudmod nila sa kanilang mga sarili gayong GALING SA MGA CONTRIBUTION NG MGA MEMBER YUN!!!
COA KILOS-KILOS PAG MAY TIME!!!

PARANG MGA SOBRANG LINIS…pwe!!!!

Ano masasabi mo dito?

DOH, DSWD, PCSO, Philhealth nagkaisang pabilisin ang access sa medical assistance funds ng gobyerno

duterte medical assistance

Isa sa reklamo ng marami ang mabagal at maraming pasikot-sikot na pag-apply at pagkuha ng tulong mula sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng PCSO, Philhealth at DSWD lalu na sa panahong lubos na kailangan.

Ito ang problemang nais solusyunan ni Pangulong Duterte sa kanyang panunungkulan. Noong July 13 ay nagkaroon ng joint signing of documents ang mga kawani ng gobyerno upang malutasan ang problemang ito.

Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasama ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DWSD) at ang Philippine Health Insurance Corporations (Philhealth) ang mga pumirma sa isang Joint Administrative Order in Streamlining Access to Medical Assistance Funds of the Government. Sa pirmahang ito ay hinahangad na mas mapapabilis na ang ang pagbibigay ng tulong mula sa mga nasabing ahensya.

Ang nangyaring ceremonial signing ay idinaos sa OPD Conference Room ng Jose Reyes Memorial Medical Center.

Bilang representative ni General Manager Alexander F. Balutan, si OIC-Assistant General Manager for Charity Mr. Rubin Z. Magno ang dumalo sa nasabing pirmahan. Kasama niya si Board Secretary Atty. Wesley A. Barayuga na siyang nagbigay na pangunahing mensahe ng PCSO in representation of Chairman Anselmo Simeon P. Pinili.

Ayon kay PCSO Chairman Pinili, patuloy ang kanilang pag-innovate ng mga gaming products upang sa ganun ay mas lalung lumaki ang kita ng ahensya para sa mas maigting na tulong na financial para sa mga Pilipinong nangangailangan. Iminungkahi niya rin na ipagpatuloy ang pagtutulungan ng mga nasabing ahensiya para maging successful ang nasabing streamlining ng serbisyo sa mga mamamayan. Ito ang kinikinalala nilang significant contribution sa magagandang plano ni Pangulong Duterte.

Ipinapakita ng nasabing Joint Administrative Order in Streamlining Access to Medical Assistance Funds of the Government ang mga gampanin ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng DOH, PCSO at DSWD sa pagbibigay ng tulong financial sa mga miyembro at beneficiaries o dependents ng mga nasabing ahensya.

Ayon sa guidelines, ang mga bayarin ay iko-cover ng Philhealth, PCSO, at DOH. Inilinaw rin sa nasabing document na ang PCSO ay papasok lamang kapag nagamit na ang mga pondo galing sa Philhealth at Private Health Insurances and Mandatory Discounts and Benefits. Ang mga non-medical costs tulad halimbawa ng transportation fees ay sa DSWD naman kukunin.

Ang nasabing hakbang ay mas makakatulong sa pagpapabilis ng pagbibigay serbisyo sa mga Filipinos lalu na sa panahon ng disgrasya, sakit o iba pang sakuna.

(Source: pcso.gov.ph)

5 Leadership qualities ng agila, at ang Pangulong Duterte

agila at pangulong duterte

Sa maraming panahong nagdaan, ang agila ay kinikilala ng mga tao bilang simbolo ng katapangan, kagitingan, karangalan, at katikasan. Hindi maikakaila na kalimitan itong naisasama sa mga pambansang simbolo ng iba’t-ibang bansa. Makikita ito sa maraming mga bandila at mga logos ng kilalang mga kumpanya.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang agila ay may mga characteristics at mga kamangha-manghang kakayanan na maaaring pag-aralan at i-apply ng isang leader o namumuno. Hindi maikakaila na ang mga ito ay makikita rin kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang leader ng ating bansa.

1. Ang agila ay may powerful vision

Kung papansining mabuti, lumilipad man ng mataas o nasa tuktok ng isang puno sa mataas na bundok, ang mga mata ng agila ay matalas na tumitingin at nagmamasid sa palibot nito. Ang kanilang mga mata ay dinsenyo upang makita ang malalayong distansya. Kaya nitong makita ang isang agilang lumilipad kahit 50 milya pa ang layo.

Ito ang isang bagay na hindi nakikita ng marami kay Pangulong Duterte. Ang kanyang mga kritiko ay mababaw at pangkasalukuyan lamang ang natatanaw. Ngunit sa Pangulong Duterte, ang kanyang focus ay sa resulta ng mga proyektong kanyang inumpisahan. Bagaman may mga paghihirap ng konti sa proseso, ngunit ang dulo nito ay ginhawa para sa marami. Yang ang vision ng Pangulong Duterte na tulad sa isang agila.

2. Ang agila ay walang kinatatakutan

Gaano man kalaki o kalakas ang kalaban ay hindi ito issue sa isang agila. Maging ang kinatatakutang king cobra ay kayang talunin ng isang agila. Ililipad niya lamang ito sa napakataas na lugar at mawawala ang lakas ng isang cobra. Hindi lamang matapang ngunit matalino rin ang agila.

Hindi rin lingid sa ating kaalaman na maraming galit kay Pangulong Duterte. Ito ay dahil wala siyang kinatatakutan pagdating sa katiwalian. Siguradong mawawalan ng sungay ang mga masasamang elemento ng lipunan lalu na ang matataas at matagal ng nang-aapi sa bayan. Ke senador, huwes ng Korte Suprema, mataas na opisyal ng simbahan, o kahit official ng isang international entity hindi pinalalagpas ni Pangulong Duterte sa kanyang laban kontra droga, corruption, at katiwalian.

3. Ang agila ay determinado

Habang ang ibang mga ibon ay nagtatago sa panahon ng bagyo, ang agila ay matalinong ginagamit ang malalakas na hangin upang lumayag ng mataas at malayo. Hindi niya kinatatakutan ang bagyo, bagkus ginagamit niya ito sa kanyang pagsasakatuparan ng kanyang mga plano.

Ang mga paghihirap sa buhay ay kinikilala ni Pangulong Duterte bilang opportunities upang maging matagumpay. Alam niya na ang lundo ng mga paghihirap ay isang matamis na tagumpay sa isang taong determinado. Sa pulitika, matalinong ginagamit ni Pangulong Duterte ang bawat opportunities upang maisakatuparan ang magagandang plano para sa bansang Pilipinas.

Umiikot ang ulo ng kanyang mga kritiko sa panahong nakikipag-alyansya siya sa mga itinuturing na kalaban ng bansa tulad halimbawa ng China. Ngunit may nakikita ang Pangulong Duterte na ikabubuti ng bansa na hindi nakikita ng kanyang mga kalaban sa pulitika, isang bagay na tanging agila lamang ang may kakayanang tumingin at makaunawa.

4. Mataas lumipad ang agila

Kayang lumipad ng agila hanggang sa 10,000 feet ang taas, ngunit kaya rin nitong bumaba sa lupa na mabilis at ligtas sa kapahamakan. Ang agila ay hindi nakikipaghalubilo sa mga kalapati at iba pang ibon na kalimitang maiingay at naghahalungkat ng pagkain sa lupa. Tahimik ang agila na lumilipad at naghihintay ng oportunidad para sa kanyang susunod na pagkain.

Hindi ugali ni Pangulong Duterte na ipagsigawan ang kanyang mga nagagawa. Sa kanyang mga talumpati ay hindi mo maririnig sa kanyang mga bibig ang mga accomplishments ng kanyang pamumuno. Ito ang dahilan kaya hindi masyadong nakikita ng mass media ang kanyang mga nagagawa. Ito rin ang dahilan upang ang mga nagtitiwala sa kapasidad ng Pangulo (tulad ng mga bloggers at ordinaryong DDS) ay ginagawa ang kanilang makakaya upang ipaalam sa marami ang mga activities at accomplishments ng gobyerno.

Bagaman kinkilala ng iba ang kanyang mga accomplishments ay hindi ugali ng Pangulong Duterte na tumanggap ng mga awards at papuri. Gumagawa siyang tahimik para sa bansang kanyang pinaglilikuran.

5. Mapag-aruga ang agila

Bagaman kinatatakutan sa himpapawid at may matapang na character, ang agila ay maaasahan sa pag-papalaki ng kanyang mga anak. Ang munting agila ay inilalagay niya sa kanyang likod at inililipad ng mataas. Tatagilid ito upang mahulog ang munting agila dahilan upang matuto itong lumipad sa ganang kanya. Sasaluhin niya ang munting agila kung sakaling hindi pa ito lubos na marunong sa paglipad. Ang training ay paulit-ulit na ginagawa hanggang sa matutong lumipad ang munting agila.

Kapag matigas ang ulo at ayaw matuto ng munting agila ay ibabalik niya ito sa pugad at unti-unting aalisin ang pugad hanggang sa madama ng munting agila na panahon na para makalipad siya sa kanyang sariling lakas.

Ganito ang ginagawa ng ating Pangulong Duterte sa federalismo. Layunin niyang i-settle ang federalismo sa bansa na tiyak ang benepisyong maidudulot sa nakakarami. Alam niyang ang anim na taong panunungkulan ay hindi sapat upang maisakatuparan ang lubos na pagbabago. Alam niyang maikli na rin ang kanyang natitirang lakas, kaya ngayon pa lamang ay inihahanda na niya ang ilang mga tao na maaaring magpatuloy ng kanyang magagandang programa. Hindi niya basta na lamang iiwan ang kanyang bansa sa panahong wala na siya sa posisyon.

Susuportahan mo ba ang mga taong i-endorso ng Pangulong Duterte sa pagpapatuloy ng kanyang magagandang nasimulan sa ating bansa?

(Photo credit: Weighton Almendpag)

Ito ang ilan sa mga leadership characteristics ng agila na makikita rin natin sa ating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang Davao ay kilala bilang tahanan ng mga agila sa Pilipinas. Ang agila ang ating pambansang ibon. Nakakapangilabot isipin na ang ating Pangulong Duterte ay sa Davao rin lumaki at may parehas na characteristics tulad ng sa agila.

Huwag pong kalimutang i-share upang makarating sa marami ang biyayang ibinigay sa atin sa pagkatao ng Pangulong Duterte.

“911 is real, change is here!”

duterte 911

Malaki ang pasasalamat ni Richard Serrano Celeste, unang-una na sa Panginoon at pangalawa ay sa Pangulong Duterte dahil na rin sa nasimulang nationawide 911 emergency call. Dahil dito ay mabilis na naidala ang kanyang anak sa hospital upang mabigyan ng agarang lunas.

“911 is real, change is here…”, ayon kay Richard na halos hindi pa rin makapaniwala na mayroon na ngang 911 na maaasahan sa panahon ng emergency.

Ipinost ni Richard sa social media ang kanyang karanasan sa Emergency Hotline 911 sa Iligan City.

“I was about to sleep the other night when our Baby Abraham cried out loud because he had a difficulty breathing normally due to throat irritation. He sounded hoarse while coughing that we decided to rush him to the hospital whatever it takes,” naisulat ni Richard sa kanyang Facebook account.

Nag-decide sila na dalhin ang batang sanggol sa hospital ngunit walang available na sasakyan dahil na rin sa disoras na ng gabi. Naisip ni Richard na subukan ang 911 Emergency Hotline.

Matapos ang 20 minuto ay dumating ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Iligan City sa apartment ni Celeste upang maihatid ang bata sa hospital.

“They warmly accommodated us and they checked our baby’s vital signs while we were on our way to the Adventist Medical Center (formerly known as Mindanao Sanitarium Hospital),” ayon kay Richard.

Pinasalamatan niya ang mabilis na action ng 911 call center agent at staff ng CDRRMO. Bagaman mahirap umanong hanapin ang kanilang lcoation ay natuntun pa rin sila upang mabigyan ng tulong.

“Thank you Lord that 911 really works because being a parent so concerned of his child’s welfare will really be bothered, especially if he has no vehicle yet to ride on,” dagdag ni Richard.

Narito ang post ni Richard sa kanyang Facebook account:

911 is real, change is here…

I was about to sleep the other night when our Baby Abraham cried out loud because he had a difficulty breathing normally due to throat irritation. He sounded hoarse while coughing that we decided to rush him to the hospital whatever it takes. We faced a challenge on transportation because it was already midnight. We did not panic but instead explored possible options. I tried calling a former classmate but understandably, it was a time for a good night sleep. Our baby still cried and I thought of calling 911 at 11:46PM. I then dialled it via my globe phone and a representative answered my call. I immediately asked her if health emergencies form part of their services and she readily said yes. She asked me important details on the reason of the call, how old is the baby and our location. After 11 minutes (at 11:57PM) while we were packing our things, someone using a mobile number called me up and he told me that he is one of the personnel from the City Disaster Risk Reduction and Risk Management Office (CDRRMO) and that they are on their way to Tipanoy, Iligan City. At exactly 12:06AM, they reached our apartment and we boarded on their van.

They warmly accommodated us and they checked our baby’s vital signs while we were on our way to the Adventist Medical Center (formerly known as Mindanao Sanitarium Hospital).

Thank you Lord that 911 really works because being a parent so concerned of his child’s welfare will really be bothered especially if he has no vehicle yet to ride on. Thank you to 911 hotline representative for the positive response of helping out. Thank you the CDRRMO staff for the very quick action. Kudos for easily locating us despite the not-so-easily-accessible location. I forgot to ask names and took photo of them because we hurriedly proceeded to the emergency room of the hospital for the baby’s admission.

To those who are in the same situation, 911 can be accessed using your mobile phones. Just dial the number and a hotline representative is ready to assist you 24/7. They will then coordinate with CDRRMO or MDRRMO depending on your location.

Apparently, we celebrated my birthday at the hospital the entire day (July 24) 😀

As of this writing, our baby is doing well and he was discharged from the hospital this morning.

Salamat Lord…

911 is real, change is here…

#PrayingForACar

Noong May 25 ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 56 na naglalayong gawing emergency hotline ang 911, kapalit sa PATROL 117, upang masunod ang international standards.

Ang 911 at 8888 emergency hotlines ay free of charge. Una nang ginagamit sa Davao ang 911 sa loob ng dalawang dekadang pagiging mayor ni Duterte.

Huwag kalimutang i-SHARE ang magandang balitang ito.

(Photos: Richard Serrano Celeste)

BREAKING: Bagsak presyo sa voice call at SMS rates, kasado na! Salamat Pres. Duterte!

bagsak presyo ng voice call at sms rates c

Isa sa mga pangako ni Pangulong Duterte ang pababain ang voice call at text rates o fee na ibinabayad sa mga telecommunications company tulad ng SMART at Globe.

“We shall, therefore, lower interconnection rates between all industry players. Not only to lessen the cost to the consumers as it will also lower the costs [for the] incoming player to access existing networks, [thereby creating] a market environment that is more conducive to competition,” ayon kay Pangulong Duterte noong nakaraang SONA2018.

Ayon kay Eliseo Rio Jr., Officer-in-charge ng Department of Information, Communications, and Technology, ito ay may katuparan na! Wala pang isang linggo o isang buwan ay natupad na! Ika nga eh mas mabilis pa sa alas-kuwatro!

Gamit ang kanyang Facebook account ay ipinost ni Eliseo Rio Jr. ang magandang balita:

“Interconnection charges lowered – voice calls from P2.50 per minute (the highest in the ASEAN) to just P0.50 per minute; SMS from P0.15 to just P0.05”

Mula sa P2.50 per minute ay magiging P0.50 per minute na lang ang voice call. Ang SMS naman o mas kilala sa text ay bababa ng P0.05 mula sa dating P0.15.

Ang dating voice call rate na P2.50 ay siyang pinakamataas sa ASEAN region. Bagaman mataas ang dating voice call rate ay talamak pa rin ang reklamo dahil kalimitan ay walang signal sa maraming lugar, dahilan upang pagtiyagaan na lamang ng mga Filipino.

Ngunit ngayon panunungkulan ni Pangulong Duterte ay malaki ang mararamdamang pagbabago ng mga Filipino! Ito na marahil ang isa sa mga pangako na natupad ni Pangulong Duterte na tiyak na mararamdaman ng bawat Filipino.

Ang Pilipinas ay sinasabing “SMS capital ng mundo” dahil mahilig ang mga Filipino mag-text sa halip na tawag. Ngunit tila magbabago ito ngayong bumaba na ang voice call rate sa Pilipinas. Ganunpaman, mas bumaba na rin ang SMS rate, kaya posible rin na mas marami pa ang mag-stick sa text messaging.

Ano sa tingin mo ang mga possibilities na pagbabago sa buhay ng mga Filipino ngayon bumaba na ng husto ang voice call at SMS rates? Anong mga hanapbuhay ang nakikita mong uusbong dahil dito?

Huwag kalimutang i-SHARE ang magandang balitang ito!

Good job! Davao firefighters extinguished effigy burning to implement Clean Air Act

Hindi na pinatagal ng mga Davao firefighters ang pagsunog ng mga effigies na laban kay Pangulong Duterte sa panahon ng kanyang SONA2018.

Hindi pa man nauubos masunog ang mga effigies ay agad na itong pinasiritan ng fire extinguishers ng mga bombero sa Davao.

davao firefighters

Hindi lamang effigy ni Pangulong Duterte ang ginawa at planong sunugin ng mga rallyista, maging si President Donald Trump ay hindi rin tinantanan.

Ayon sa mga bombero ay paglabag umano sa Clean Air Act ng local na pamahalaan ng Davao City ang ginawa ng mga rallyista, kaya ginawa nila ang nararapat.

davao firefighters2

P300 hanggang P1000 ang penalty sa mga mahuhuling lalabag sa Republic Act 9003 or Ecological Solid Waste Management Act of 2000 Section 48, na nagbabawal sa pagsunod ng mga solid wastes.

Marami  naman ang nagpasalamat sa ginawang pagpapatupad ng batas ng mga Davao firefighters. Tanong nga marami, bakit daw hindi mai-implement sa ka-Maynilaan ang nasabing batas.

South Korean President saludo sa leadership style ni Pangulong Duterte

Lubos ang pagpupugay ni President Moon Jae-In ng South Korea kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa leadership ng Pangulo. Ito ang ipinahayag ng nasabing leader ng South Korea sa joint press briefing na ginanap sa Cheong Wa Dae (Blue House) sa Seoul.

Ayon kay Moon, ang pamamahala ni Pangulong Duterte ay nagbibigay ng boost para mapabilis ang pag-unlad ng Pilipinas na siya namang sinusuportahan ng mga Filipinos.

“I take my hats off to President Duterte’s leadership which has enabled rapid economic growth and social stability, drawing great support from the people of the Philippines in the process. The Philippines is currently working to realize national Vision 2040 under President Duterte’s
outstanding leadership,” ayon kay Moon.

Pinasalamatan niya rin ang Pangulo sa pangakong poprotektahan ang mga South Korean nationals sa bansa. Pinangako ni Moon na makikilahok ang bansang Korea sa mga darating na projects ng Pilipinas.

“In particular, I look forward to seeing the Korean companies’ participation further expanded in the fields of transportation, energy, and infrastructure through our cooperation in the new industries such as info-communications as well as science and technology. We will create the growth engine for the future together,” dagdag ni Moon.

Tinitingnan ng dalawang leaders ng nasabing mga bansa ang 2019 bilang taon ng mutual exchanges dahil ito rin ang taon ng ika-70th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng South Korea at Pilipinas.

“President Duterte and I agreed to designate the year 2019 as the year of mutual exchanges between Korea and the Philippines to mark the 70th anniversary of the establishment of our diplomatic relations,” ayon kay Moon.

Hinikayat rin ni Moon ang mga Filipino na bisitahin ang Korea lalu na ang mga magagandang tourist spots nito.

“I hope to see more people from the Philippines visit Korea as well,” dagdag ni Moon.

Noong 2017 ay tinatayang 1.6 million ng mga South Koreans ang bumisita sa bansa, samantalang nasa 450,000 naman ng mga Filipino ang pumunta ng South Korea.

“The people of our two countries will visit each other more frequently and enhance the understanding in communication among them,” dagdag ni Moon.

“Your Presidency is a blessing”, ayon sa isang international geopolitics expert

Bagaman hindi Filipino ay tapos-puso ang pasasalamat ni Adam Garrie, Director ng Eurasia Future, dahil sa tapang at malasakit ni Pangulong Duterte at inspiration na dulot ng kanyang pamamahala.

Ayon sa obserbasyon ni Garrie, ang pagiging Pangulo ni Duterte sa bansa ay isang malaking pagpapala lalu na sa mga mahihirap na Filipino. Pinapurihan rin ni Garrie ang planong Federalismo na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Ang dati-rati ay natutulog na “Asian Tiger” ay muli nang tatayo at lalaya sa maliit nitong hawla, ganito ang paniniwala at obserbasyon ni Garrie sa pamamalakad ni Pangulong Duterte. Nakikita ng marami ang malaking potential ng bansa sa ilalim ng pamumuno ng Pangulo.

Narito ang kumpletong liham ni Adam Garrie kay Pangulong Duterte na ipinapakalat ng mga tagasuporta ng Pangulo kabilang na si Rafael Alunan.

Dear President Duterte,

Unlike most people who write to you, I am not a Filipino but I see in The Philippines such great potential for the people and nation to expand current levels of peace, fulfillment, wealth, joy and health. Under your leadership, I have seen the country stand upright and move forward with dignity towards a better future.

Your Presidency has been what for lack of a better word is a blessing for the hungry who are increasingly fed, the innocently ignorant who will now be better educated, the enthusiastic who now see a future within The Philippines rather than something that only exists outside and perhaps most of all for the human beings that want to live in a land endowed with natural beauty rather than one plagued by the filth that is narcotics.

In staking your Presidency on your push to create the Federal Republic, it may be that the next two weeks are the most important in Philippine history since 1987. The present political system has put a potential Asian tiger in a cage and millions of Filipinos, OFWs [Overseas Filipino Workers] and non-Filipino supporters of your excellent political program are crying for this tiger to be set free from its tiny cage.

As myself and many other observers of this issue have long argued, Federalism will at best be an incomplete triumph when not accompanied by a Parliamentary system that would allow the best and brightest to offer their ideas to the country in a manner that is more direct, more efficient and more transparent than the current system.

I also stand among those who advocate a more open economy as this represents not only for The Philippines but for the wider world, the path to a future of greater collective prosperity in an age where both people and nations are more interconnected than ever before in history.

For a nation with the great potential of The Philippines, I believe there is nothing to fear from opening all clean economic avenues to respectful international partners at a time when the most dynamic economies in Asia are doing the same.

What stands before the Philippine nation is a rare opportunity to reshape not only the sentiment in politics and the trust in political leadership – two things you have already accomplished, but to reshape the entire nature of a political system that is broken beyond repair.

I speak to you from a position of humility. I am one voice of many and my only aim is to add one more to a choir that is singing in unison for as much reform as possible as there is little time to waste. You have often said that if federal reforms are passed you will resign. My only worry is that you are putting your own sense of duty to defeat extravagance in politics above the potential for wide-reaching reforms that in my view you are alone in being able to push forward.

I do not believe that any modern Philippine leader has cared so deeply for the people as you do. Sometimes, even from afar it is possible to sense such things. This is why I stand with the Filipinos who want a political system that can ensure that when your time in power is through, the forces of political regression will not be able to undo the tremendous work you have done for the people and for the standing of The Philippines in the wider world.

Before your Presidency, The Philippines was for far too many, just dots on a map. Now, the Philippines is at the heart of a peaceful revolution in government and an international leader in exemplifying a new mentality that looks to the future on the win-win basis that separates 21st century thinking from the decaying ideas of a past that should be left far behind.

Whether or not you stand before a would-be parliament is a matter for yourself and for your people who continue to put their trust in you.

But looking at the wider world, it seems all too necessary not to let The Philippines lose out on becoming what she could have been a long time ago is it not for small-minded leaders who put today’s agony above dreams of tomorrow’s ecstasy. I have personally seen many a Filipino weep with an overwhelming sense of purpose when they tell me “Duterte has made me proud of my nation for the first time in my life”.

I humbly thank you for your service to your nation which has inspired millions around the world. I am but one of them.

Sincerely,
Adam Garrie
Director at Eurasia Future

Ano masasabi mo dito?

Accomplishments ni P. Duterte in 2 years alone ayon kay Sen. Lacson

Mismong ang Senador na si Ping Lacson ang nag-enumerate sa ilang mga na-accomplished ng Pangulong Rodrigo Duterte sa loob lamang ng dalawang taong panunungkulan nito.

Gamit ang kanyang Twitter account, inilista ni Senator Lacson ang mga accomplishments ng kasalukuyang administrasyon na nangyari sa loob lamang ng dalawang taong panunungkulan sa bayan.

1.  Marawi liberation

Matatandaang nagmistulang ghost town at urban battlefield ang Marawi dahil sa pag-okupa ng mga teroristang ISIL. Marami rin ang namatay sa panig ng mga terorista at gayon din sa gobyerno. Ganunpaman ay matagumpay itong natapos dahil na rin sa paninindigan ng Pangulo laban sa mga terorista.

2.  Boracay rehabilitation

Matapos tawagin ni Pangulong Duterte na “cesspool” ang Boracay noong February 9 ay inanunsyo niya ang planong pagsasara nito upang mai-rehabilitate.

Binigyan ng Pangulo ang kanyang gabinete ng ng ultimatum na anim na buwang paglilinis ng Boracay at kung hindi mangyayari iyon ay kapalit nito ang pagsisante sa kanila.

Dahil dito ay inumpisahan ng gobyerno na pansamantalang sarhan ang Boracay noong April 26. Nagbunsod ito ng pagkakaalam ng mga iba’t-ibang violations ng mga business owners sa nasabing isla.

October 26 ang itinalagang muling pagbubukas ng Boracay ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu

3.  Mighty Corp settled Php 30B tax case

30 bilyong piso ang ibinayad ng Tobacco Giant Mighty Corporation sa gobyerno matapos mapatunayang hindi nagbabayad ng tamang buwis ang nasabing kumpanya.

Ibinunyag ni Pangulong Duterte na gumagamit umano ng counterfeit na tax stamps ang Might Corp upang makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

Upang makaiwas sa criminal charges ay napilitan ang kumpanya na magbigay ng malaking halaga sa gobyerno upang ma-settle na ang kaso.

4. PAL Settled PHP 6B debt to govt

Sampung araw ang ibinigay na palugit ni Pangulong Duterte kay Lucio Tan, CEO ng Philippine Airlines (PAL), upang magbayad ng utang nito sa gobyerno na nagkakahalaga ng 6 bilyon pesos.

Bilang resulta ay nagbayad ang PAL ng nasabing halaga sa gobyerno upang matapos na ang napakatagal ng utang ng nasabing kumpanya.

Nabanggit rin ng Pangulo na nag-offer umano ng malaking halaga si Lucio Tan noong panahon ng election, ngunit hindi ito tinanggap ng Pangulo dahil alam niyang may malaking utang ito sa gobyerno.

5. Sunvar vacated Mile long property

Ayon kay Pangulong Duterte, ang Mile Long property ay pag-aari umano ng gobyerno at ito ay pinaupahan sa mga Prieto at Rufino noong 1982 hanggang 2002. Ngunit hanggang 2017 ay naroon pa rin ang dalawang pamilya at hindi umaalis sa nasabing property.

“Economic sabotage” ang inalok ni Pangulong Duterte sa dalawang pamilya at pagkakakulong ng walang bail upang maranasan ang buhay sa bilangguan.

Noong August 2016 ang Sunvar Realty Development Corporation ay umalis at binakante ang nasabing property.

6. Congress passed the Bangsa Moro Organic Law

Ang Bangsa Moro Organic Law ay magbibigay daan para mabuo ang Bangsamoro Autonomous Region upang mapalitan ang kasalukuyang ARMM.

Ang Bangsamoro government ay magiging parliamentary-democratic at pangungunahan ng isang regional leader na tatawaging Chief Minister.

Inaasahang pipirmahan ni Pangulong Duterte ang nasabing Bangsamoro Organic Law sa kanyang SONA.

7. Solgen won quo warranto case vs ex CJ

Noong Mayo 2018 ay kaunaunahang napaalis sa pwesto bilang Chief Justice ng Supreme Court si Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Walong Associate Justices ang bumoto pabor sa pagpapatalsik kay Cereno.

Narito ang post ni Senador Lacson sa kanyang Twitter account: