Category: Social

“911 is real, change is here!”

duterte 911

Malaki ang pasasalamat ni Richard Serrano Celeste, unang-una na sa Panginoon at pangalawa ay sa Pangulong Duterte dahil na rin sa nasimulang nationawide 911 emergency call. Dahil dito ay mabilis na naidala ang kanyang anak sa hospital upang mabigyan ng agarang lunas.

“911 is real, change is here…”, ayon kay Richard na halos hindi pa rin makapaniwala na mayroon na ngang 911 na maaasahan sa panahon ng emergency.

Ipinost ni Richard sa social media ang kanyang karanasan sa Emergency Hotline 911 sa Iligan City.

“I was about to sleep the other night when our Baby Abraham cried out loud because he had a difficulty breathing normally due to throat irritation. He sounded hoarse while coughing that we decided to rush him to the hospital whatever it takes,” naisulat ni Richard sa kanyang Facebook account.

Nag-decide sila na dalhin ang batang sanggol sa hospital ngunit walang available na sasakyan dahil na rin sa disoras na ng gabi. Naisip ni Richard na subukan ang 911 Emergency Hotline.

Matapos ang 20 minuto ay dumating ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Iligan City sa apartment ni Celeste upang maihatid ang bata sa hospital.

“They warmly accommodated us and they checked our baby’s vital signs while we were on our way to the Adventist Medical Center (formerly known as Mindanao Sanitarium Hospital),” ayon kay Richard.

Pinasalamatan niya ang mabilis na action ng 911 call center agent at staff ng CDRRMO. Bagaman mahirap umanong hanapin ang kanilang lcoation ay natuntun pa rin sila upang mabigyan ng tulong.

“Thank you Lord that 911 really works because being a parent so concerned of his child’s welfare will really be bothered, especially if he has no vehicle yet to ride on,” dagdag ni Richard.

Narito ang post ni Richard sa kanyang Facebook account:

911 is real, change is here…

I was about to sleep the other night when our Baby Abraham cried out loud because he had a difficulty breathing normally due to throat irritation. He sounded hoarse while coughing that we decided to rush him to the hospital whatever it takes. We faced a challenge on transportation because it was already midnight. We did not panic but instead explored possible options. I tried calling a former classmate but understandably, it was a time for a good night sleep. Our baby still cried and I thought of calling 911 at 11:46PM. I then dialled it via my globe phone and a representative answered my call. I immediately asked her if health emergencies form part of their services and she readily said yes. She asked me important details on the reason of the call, how old is the baby and our location. After 11 minutes (at 11:57PM) while we were packing our things, someone using a mobile number called me up and he told me that he is one of the personnel from the City Disaster Risk Reduction and Risk Management Office (CDRRMO) and that they are on their way to Tipanoy, Iligan City. At exactly 12:06AM, they reached our apartment and we boarded on their van.

They warmly accommodated us and they checked our baby’s vital signs while we were on our way to the Adventist Medical Center (formerly known as Mindanao Sanitarium Hospital).

Thank you Lord that 911 really works because being a parent so concerned of his child’s welfare will really be bothered especially if he has no vehicle yet to ride on. Thank you to 911 hotline representative for the positive response of helping out. Thank you the CDRRMO staff for the very quick action. Kudos for easily locating us despite the not-so-easily-accessible location. I forgot to ask names and took photo of them because we hurriedly proceeded to the emergency room of the hospital for the baby’s admission.

To those who are in the same situation, 911 can be accessed using your mobile phones. Just dial the number and a hotline representative is ready to assist you 24/7. They will then coordinate with CDRRMO or MDRRMO depending on your location.

Apparently, we celebrated my birthday at the hospital the entire day (July 24) 😀

As of this writing, our baby is doing well and he was discharged from the hospital this morning.

Salamat Lord…

911 is real, change is here…

#PrayingForACar

Noong May 25 ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 56 na naglalayong gawing emergency hotline ang 911, kapalit sa PATROL 117, upang masunod ang international standards.

Ang 911 at 8888 emergency hotlines ay free of charge. Una nang ginagamit sa Davao ang 911 sa loob ng dalawang dekadang pagiging mayor ni Duterte.

Huwag kalimutang i-SHARE ang magandang balitang ito.

(Photos: Richard Serrano Celeste)

2 bagong silang na sanggol na-rescue sa basurahan

dalwang sanggol nakita sa basurahan

Nakakadurog ng puso na makita ang mga walang kamalay-malay at walang kalaban-laban na mga bagong sanggol na basta na lamang iiwanan kung saan-saan matapos itong mailuwal.

Hindi lamang isa kundi dalawang bagong silang na sanggol ang nakita ng basurero sa isang basurahan habang ginagawa niya ang kanyang daily routine.

Makikita sa video na buhay pa ang dalawang bata ng ito ay iniwan sa basurahan. Tila malulusog ngunit sadyang maliliit ang mga ito. Mabuti na lamang at narinig ng basurero ang iyak ng dalawang sanggol.

Nawa ay magbigay leksiyon ito sa mga magulang at kabataan na walang plano at tila laru-laro lamang ang pakikipagtalik. Nawa ay madurog ang kanilang mga damdamin upang pag-isipang mabuti ang pinaplanong kalandian sa opposite sex.

Kung biktima naman ng rape babae na nagdadalang tao ay may mga taong maaring tumulong sa pagpapalaki sa bata kung sakaling ayaw ng ina na kupkupin ang isisilang na sanggol.

Kung hindi talaga maiiwasan ay mas makakabuti na iwan ito sa harap ng simbahan, munisipyo, DSWD, paaralan, health center, o hospital, at huwag naman sa basurahan. Hindi po basura ang sanggol, at hindi niya kasalanan na siya ay mabuhay at isilang.

Panoorin ang pag-rescue sa dalawang sanggol na nakita ng isang basurero.

Kangkong na may linta, isinisisi sa pagkamatay ng bata

linta sa kangkong

Dahil umano sa linta na nakasama sa inilutong kangkong ang ikinamatay ng isang bata, ayon ito sa isang post ng Facebook page na may pangalang Matalinong Matsing.

Maari daw dumami sa tiyan ang linta na nakaipit sa isang kangkong na hindi masyadong naluto. Uminda ng sakit sa tiyan ang batang babae matapos kumain ng stir fried kangkong. Nagtae ito ng dalawang araw at sinubukang maidala sa hospital.

Ayon sa doctor na tumingin sa bata ay may nakitang maliliit na linta sa bituka ng bata. Ito umano ang dahilan sa pagkamatay niya.

Narito ang post ng nasabing Facebook page na layong magbigay ng warning at paalala sa lahat na ugaliing linisan ng mabuti at lutuing maayos ang mga inilalahok sa pagkain.

MGA PARDS! Hingi kami ng isang minuto ng oras ninyo para basahin ang mahalagang impormasyon na ito para sa ating kalusugan.

Paalala lang po. Sobrang nakakatakot pala ang pagkain ng kangkung kapag kinain ng hindi gaanong luto. Nabubuhay pala ang linta at pag nakain maaring dumami sa loob ng tiyan. Isang batang babae na naireport ang namatay pagkatapos kumain ng stir fried kangkung. After niyang kumain nito ay sumakit ang kanyang tiyan at nagtae ng dalawang araw. Sinubukan ng magulang na bigyan ng gamot para mabawasan ang sakit pero walang bisa kaya dinala na ito sa ospital. Nalaman ng duktor na hindi na pala kumakain ang bata sa loob ng 2 araw dahil wala siyang gana. Umiinom na lamang umano ng gatas at kaya nagsusuka. Napagalaman din ng duktor na kumain ng kangkung na hindi gaanong luto ang bata sa isang restaurant gabi bago siya nagsimulang magtae. Kaagad na nagsagawa ang duktor ng x-ray at nalaman sa bituka ng bata na maraming maliliit na linta. Ang kangkung ay masarap ulamin lalo na kapag isinahog sa ibang gulay pero kapag hindi gaanong luto ang pagkain madalas ito ay pinagmumulan ng sakit.

 

Dahil sa mabilis itong maluto at hindi rin maganda na overcooked, ang kangkong ay kadalasang inilulutong half-cooked. Ito marahil ang dahilan kung bakit nabuhay pa rin ang linta bagaman idinaan sa pagluluto.

Maging maingat po tayong lagi, lalu na sa mga inilalagay natin sa ating hapag kainan upang kainin ng ating mga mahal sa buhay.

I-share po natin para na rin sa kaalaman ng nakakarami.

(Photos: Matalinong Matsing)

Lolo na ice cream vendor na na-hit-and-run ng jeep, umaasang matutulungan ng may magandang loob

Walang nagawa at naupo na lamang si lolo na isang vendor ng ice cream sa isang tabi habang tinitingnan ang kanyang ice cream cart na sira. Makikita rin ang galos at may dugo rin ito sa kanyang binti.

Ayon sa post ng isang Facebook page na may pangalang Matalinong Matsing, nasagian umano si lolo ng isang jeep habang nagtitinda ito sa may MGH Sta. Maria. Sa halip na tumigil at tingnan ang kalagayan ng kawawang matanda ay mabilis na tumakbo ang jeep.

Tinangka naman ng mga nakakita na habulin ang jeepney ngunit hindi nila ito naabutan. Ganunpaman ay nakuha ang plate number ng jeep at nalaman rin kung saang ruta ito patungo.

Umaasa ang marami na mabibigyan ng hustiya o tulong man lamang ang matanda.

Narito ang post sa nasabing Facebook page at ilan sa mga photos:

KAWAWA naman si Lolo na isang vendor ng ice cream. Sinagasaan siya ng pampasehorong jeep tsaka tinakbuhan na lang. Kung sino ka man gumawa nito kay Lolo makakarma ka rin! Di ka na naawa sa matanda pagkatapos mong i-cut at sagiin bigla mong tinakbuhan. Di ka na naawa sa pamilya nyang umaasa sa kanya! Nakita pa ng mga ilang tao sa may MGH Sta Maria at napadpad pa sa kanal si Lolo, hinabol ka pero mabilis mo pa din pinatakbo ang jeep mo. Ang plate number ng PUJ ay CVE 415 biyaheng Norzagaray. Salamat po at sana maiSHARE ninyo sa page ninyong Matalinong Matsing para kumalat at mag viral ng sa ganun mahuli ang gumawa nito kay lolo 😭

Ayon sa isang netizen na si Beverly Malazo ay nararapat daw na tanggalan ng lisensya ang mga driver na gumagawa ng ganito.

“Hindi maiwasan ang aksidinting ganyan,pero sana wag takbuhan at panagutan kung anung naging pinsala,kawawa naman si lolo,dapat sa driver nayan alisan ng ng lisinsya at baka maulit nanaman sa iba ang pangyayaring ganyan.”

Huwag kaligtaang i-share. Maaaring makarating ito sa taong handang tumulong kay lolo upang muli siyang makabalik sa paghahanapbuhay na marangal.

(Photos and video: Matalinong Matsing)

Babaeng nakabangga sa bata, umalis na lang na parang walang nangyari.

pilipinas-bata-nabanggan

Hindi sinasadyang nabundol ng isang ginang ang batang naglalaro malapit sa isang stall ng mga pandindang damit. Malakas ang pagkakabagsak ng ulo at katawan ng bata sa semento dahil mabilis rin at tila nagmamadali ang ginang sa paglalakad.

Makikita sa video kung paano at gaano kalakas ang pagkabagsak ng bata sa semento, ngunit nagawa din nitong umupo at maalalayan ng mga nakatatandang nakapalibot sa kanya.

Ang hindi matanggap ng mga nakapanood sa video ay kung bakit tila walang nangyari sa panig ng babaeng nakabangga sa bata. Nilampasan niya lamang ang bata at agarang umalis. Mabuti na lamang at mayroong mga taong nakapalibot at umalalay sa batang babae.

Dahil dito ay hindi maiwasan ng marami na manggigil sa galit sa babaeng nakabangga sa bata dahil tila walang nangyari para dito, umalis na lang ang babae na wala man lang pagpapakita ng pag-aalala sa bata.

“Nagmamadali sya halata nga pero yun bang makaaksidente kang makabangga ng bata at kitang kita naman na malakas ang pagkakabagsak ng bata at yung ulo nya natama sa floor ng malakas. Expected na yun na hihinto ka at magsosorry or ask mo if okay lang ba yung bata! Kaso dire diretso na parang walang nangyare. Konsensya naman sana. Nasa magandang company ka nagwowork then ganyan e’aasta mo. Hay sana okay lang si baby girl. Nakakapanggigil yung mga ganto,” ayon kay Lyanna Refil Exiomo.

Sa huling bahagi ng video ay tila nawalan ng malay ang bata. Nag-aalala ang mga nakapanood na maaaring may hindi magandang nangyari sa loob ng ulo ng bata.

Ayon kay Marife Boloy, isang netizen, ay dapat idinala daw agad sa ospital ang bata.

“Bakit d nila itakbo sa hospital nka upo lang sila nahimatay n nga yong bata at yong nka bangga hilahin nila pupunta sa opital para malaman nya ang mgyari kong ako nanay nyn yari sakin babae n yn d man lng ng sorry.”

Aaksyunan naman daw ng kumpanya ng LBC ang nasabing insedente:

“Hi Ka-LBC, this is regarding the raised concern of Ms. Mary Grace Macaubos. Makakaasa po kayo na ang ganitong klaseng pangyayari ay hindi namin ito-tolerate. Kami po ay kasalukuyan ng nakikipa-ugnayan kay Ms. Macaubos para sa karagdagang detalye. Salamat po. –Ella of LBC Express”

Kung ikaw ang kamag-anak o magulang ng bata, ano ang nararapat mong gawin?