fbpx

CPP-NPA nagpaplanong mapatalsik si P. Duterte habang isinasagawa ang peace talks

“Ang pwede kong ibigay sa inyo na information that they have that particular plan and they have hatched that during the period na nagsasagawa tayo ng usaping pangkapayapaan,”

0
duterte vs npa
54 Shares

Kumpirmado mismo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinaplanong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte ng mga komunista, at ito ay isasagawa umano sa buwan ng Oktubre 2018.

Ayon kay Colonel Edgard Arevalo, AFP Spokesperson, mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) ay nagbigay sa kanila ng information sa nasabing plano. May mga dokumentadong records mula sa mga surrenderers ang naibigay na sa otoridad bilang ebidensiya.

“It is credible as it came from recovered documents from surrendered members of the communist New People’s Army,” ayon kay Arevalo.

“Ang deadline nila base doon sa information is October of 2018,” dagdag pa niya. “We cannot take chances ano po? If it’s a threat not only to the liberties of our people but also the life of the President, we in the Defense Department [have] to take that seriously.”

Ganunpaman ay walang naibigay na karagdagang detalye sa nasabing ouster plot. Hindi rin nabanggit kung ang mga rebelde ay nakikipag-usap sa iba pang grupo na gustong mapatalsik ang Pangulo.

Ngunit kumpirmado na ang mga rebelde ay nagpaplano ng pagpapatalsik sa Pangulong Duterte kasabay ng isinusulong na peace talks.

READ  5 Leadership qualities ng agila, at ang Pangulong Duterte

“Ang pwede kong ibigay sa inyo na information that they have that particular plan and they have hatched that during the period na nagsasagawa tayo ng usaping pangkapayapaan,” dagdag ni Arevalo.

Bagaman sinegundahan ng AFP ang pagrekomenda sa pagpapatigil ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-National Democratic Front hindi naman sinasarhan ng AFP ang pintuan sa mga nasabing insurgents.

“What we want is a peace process that is transparent genuine and sincere, a peace talk that embodies the desire of our people to put an end to all these fighting so that peace and progress can come in.”

Nang tanungin kung ang pagplanong pagpapatalsik sa Pangulong Duterte ay kabahagi ang ilan sa mga leaders ng religious sector ayon na rin sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ito sinagot ni Arevalo.

“I think [Sec. Roque] is in the best position to answer the basis for such information,” he said.

Hahayaan mo bang mapatalsik si Pangulong Duterte sa pwesto?

54 Shares
In this article


Join the Conversation