fbpx

DOH, DSWD, PCSO, Philhealth nagkaisang pabilisin ang access sa medical assistance funds ng gobyerno

Ang nasabing hakbang ay mas makakatulong sa pagpapabilis ng pagbibigay serbisyo sa mga Filipinos lalu na sa panahon ng disgrasya, sakit o iba pang sakuna.

0
duterte medical assistance
132 Shares

Isa sa reklamo ng marami ang mabagal at maraming pasikot-sikot na pag-apply at pagkuha ng tulong mula sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng PCSO, Philhealth at DSWD lalu na sa panahong lubos na kailangan.

Ito ang problemang nais solusyunan ni Pangulong Duterte sa kanyang panunungkulan. Noong July 13 ay nagkaroon ng joint signing of documents ang mga kawani ng gobyerno upang malutasan ang problemang ito.

Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasama ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DWSD) at ang Philippine Health Insurance Corporations (Philhealth) ang mga pumirma sa isang Joint Administrative Order in Streamlining Access to Medical Assistance Funds of the Government. Sa pirmahang ito ay hinahangad na mas mapapabilis na ang ang pagbibigay ng tulong mula sa mga nasabing ahensya.

Ang nangyaring ceremonial signing ay idinaos sa OPD Conference Room ng Jose Reyes Memorial Medical Center.

Bilang representative ni General Manager Alexander F. Balutan, si OIC-Assistant General Manager for Charity Mr. Rubin Z. Magno ang dumalo sa nasabing pirmahan. Kasama niya si Board Secretary Atty. Wesley A. Barayuga na siyang nagbigay na pangunahing mensahe ng PCSO in representation of Chairman Anselmo Simeon P. Pinili.

Ayon kay PCSO Chairman Pinili, patuloy ang kanilang pag-innovate ng mga gaming products upang sa ganun ay mas lalung lumaki ang kita ng ahensya para sa mas maigting na tulong na financial para sa mga Pilipinong nangangailangan. Iminungkahi niya rin na ipagpatuloy ang pagtutulungan ng mga nasabing ahensiya para maging successful ang nasabing streamlining ng serbisyo sa mga mamamayan. Ito ang kinikinalala nilang significant contribution sa magagandang plano ni Pangulong Duterte.

READ  BREAKING: Bagsak presyo sa voice call at SMS rates, kasado na! Salamat Pres. Duterte!

Ipinapakita ng nasabing Joint Administrative Order in Streamlining Access to Medical Assistance Funds of the Government ang mga gampanin ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng DOH, PCSO at DSWD sa pagbibigay ng tulong financial sa mga miyembro at beneficiaries o dependents ng mga nasabing ahensya.

Ayon sa guidelines, ang mga bayarin ay iko-cover ng Philhealth, PCSO, at DOH. Inilinaw rin sa nasabing document na ang PCSO ay papasok lamang kapag nagamit na ang mga pondo galing sa Philhealth at Private Health Insurances and Mandatory Discounts and Benefits. Ang mga non-medical costs tulad halimbawa ng transportation fees ay sa DSWD naman kukunin.

Ang nasabing hakbang ay mas makakatulong sa pagpapabilis ng pagbibigay serbisyo sa mga Filipinos lalu na sa panahon ng disgrasya, sakit o iba pang sakuna.

(Source: pcso.gov.ph)

132 Shares
In this article


Join the Conversation