fvr to duterte

FVR: Duterte is on the verge of transforming PH as exemplar to UN 193-member-nations

85 Shares

Pinagpugayan ni dating Presidente Fidel V. Ramos ang pamumuno ni President Duterte bilang ‘kapitan’ ng bansang Pilipinas matapos ang mahigit dalawang taong panunungkulan nito bilang leader ng 105 milyong Filipinos.

Inihalintulad ni Ramos ang bansa sa isang barko na kung saan ay patuloy ang paglalayag sa gitna ng samu’t-saring delubyo.

Dahil sa maayos na pamamalakad ni Pangulong Duterte ay papunta na umano sa pagiging ‘exemplar’ o modelo ang Pilipinas para sa 193 na mga bansang kasapi sa United Nations (UN).

“He [Duterte] is on the verge of achieving the transformation of the Philippines into an exemplar among the 193-member-nations of the UN. But he must make a 90-degree turn to assume the harder role of ‘Skipper of the Ship’ away from the traditional position of ‘Command-in-Chief’ which emphasizes the military and police,” ayon kay dating Pangulong Ramos.

Binanggit ito ni Ramos sa kanyang speech kaugnay ng launching ng kanyang aklat na “Proper thy Neighbor” sa Centennial Room sa Manila Hotel na dinaluhan ng iba’t-ibang kilalang tao kabilang na si Pangulong Duterte.

“President’s term is a wonderful opportunity to ‘receive the baton’ of responsible governance and leadership from the Filipino people who have done their share of national building, and to continue to strive for humankind’s never-ending aspiration for a better future,” dagdag ni Ramos.

Bagaman pinuno ng iba’t-ibang sakuna ay patuloy pa at taas noong lumalayag ang bansang Pilipinas, at ang gampanin ni Pangulong Duterte bilang ‘Master of the Fate’ ng mga Filipinos ay mahalagang bagay.

“Such an important role as ‘Master of the Fate’ of 105 million Filipinos plus thousands of foreign allies who are now the passengers of our Ship of State ‘Pilipinas’ now developed by PRRD (President Duterte) as skipper of our weather-beaten, constantly embattled, but still seaworthy and proud Ship of State,” dagdag ni Ramos.

Kamakailan lamang ay napabilang muli ang Pilipinas sa UN Human Rights Council na nagpapakita umano na marami pa rin sa international community ang nagtitiwala sa paggalang ng Pilipinas sa human rights.

Source: ptvnews.ph

85 Shares