fbpx

Kabataan Partylist, nagre-recruit ng mga kabataan para sa CPP-NPA?

"Those Guys are Bringing their Recruits to the NPA Camp to Become Terrorists. The Intel on Red October School Recruit is legit" - Right Wing Philippines

0
sarah elago satur ocampo
776 Shares

Pinopondohan ng pera ng bayan habang nagre-recruit ng mga kasapi para sa CPP-NPA?

Ipinost ng isang makakanan na Facebook Page account, Right Wing Philippines, ang isang photo na kung saan ay makikita si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago kasama si Satur Ocampo na naglalakad sa isang madamong lugar, nagpapahiwatig na nasa kabundukan ang grupo.

“Kabataan Partylist Representative Sarah Elago along with CPP Member Satur Ocampo and Youths Recruited by Legal Fronts in an Unknown Location,” ayon sa post ng Right Wing Philippines.

Ayon sa mga netizens, ang picture umano ay sapat na upang mapatunayan na ang mga kabataang aktibo sa nasabing partido ay inire-recruit upang sumapi sa New People’s Army (NPA) ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon rin sa nasabing Facebook page ay dinadala umano ang mga kabataan sa kampo ng NPA upang maging terorista at kalaban ng gobyerno.

“Those Guys are Bringing their Recruits to the NPA Camp to Become Terrorists. The Intel on Red October School Recruit is legit,” dagdag ng nasabing Facebook page.

READ  CPP-NPA nagpaplanong mapatalsik si P. Duterte habang isinasagawa ang peace talks

Matatandaang ipinahayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga schools particular sa ka-Maynilaan na nagre-recruit ng mga estudyante upang sumapi sa rebeldeng grupo.

Ang pagre-recruit ng mga NPA sa mga estudyante ay hindi na kataka-taka ayon sa dating Malacanang Spokesman na si Harry Roque, ngunit hindi daw ito gagawin bilang hayagan bagkus ay patago. Si Roque ay dating professor din sa University of the Philippines.

Ano ang masasabi mo dito?

776 Shares
In this article


Join the Conversation