fbpx

Kangkong na may linta, isinisisi sa pagkamatay ng bata

Ang kangkong ay kadalasang inilulutong half-cooked. Ito marahil ang dahilan kung bakit nabuhay pa rin ang linta bagaman idinaan sa pagluluto.

0
linta sa kangkong
109 Shares

Dahil umano sa linta na nakasama sa inilutong kangkong ang ikinamatay ng isang bata, ayon ito sa isang post ng Facebook page na may pangalang Matalinong Matsing.

Maari daw dumami sa tiyan ang linta na nakaipit sa isang kangkong na hindi masyadong naluto. Uminda ng sakit sa tiyan ang batang babae matapos kumain ng stir fried kangkong. Nagtae ito ng dalawang araw at sinubukang maidala sa hospital.

Ayon sa doctor na tumingin sa bata ay may nakitang maliliit na linta sa bituka ng bata. Ito umano ang dahilan sa pagkamatay niya.

Narito ang post ng nasabing Facebook page na layong magbigay ng warning at paalala sa lahat na ugaliing linisan ng mabuti at lutuing maayos ang mga inilalahok sa pagkain.

MGA PARDS! Hingi kami ng isang minuto ng oras ninyo para basahin ang mahalagang impormasyon na ito para sa ating kalusugan.

Paalala lang po. Sobrang nakakatakot pala ang pagkain ng kangkung kapag kinain ng hindi gaanong luto. Nabubuhay pala ang linta at pag nakain maaring dumami sa loob ng tiyan. Isang batang babae na naireport ang namatay pagkatapos kumain ng stir fried kangkung. After niyang kumain nito ay sumakit ang kanyang tiyan at nagtae ng dalawang araw. Sinubukan ng magulang na bigyan ng gamot para mabawasan ang sakit pero walang bisa kaya dinala na ito sa ospital. Nalaman ng duktor na hindi na pala kumakain ang bata sa loob ng 2 araw dahil wala siyang gana. Umiinom na lamang umano ng gatas at kaya nagsusuka. Napagalaman din ng duktor na kumain ng kangkung na hindi gaanong luto ang bata sa isang restaurant gabi bago siya nagsimulang magtae. Kaagad na nagsagawa ang duktor ng x-ray at nalaman sa bituka ng bata na maraming maliliit na linta. Ang kangkung ay masarap ulamin lalo na kapag isinahog sa ibang gulay pero kapag hindi gaanong luto ang pagkain madalas ito ay pinagmumulan ng sakit.

READ  2 bagong silang na sanggol na-rescue sa basurahan

 

Dahil sa mabilis itong maluto at hindi rin maganda na overcooked, ang kangkong ay kadalasang inilulutong half-cooked. Ito marahil ang dahilan kung bakit nabuhay pa rin ang linta bagaman idinaan sa pagluluto.

Maging maingat po tayong lagi, lalu na sa mga inilalagay natin sa ating hapag kainan upang kainin ng ating mga mahal sa buhay.

I-share po natin para na rin sa kaalaman ng nakakarami.

(Photos: Matalinong Matsing)

109 Shares
In this article


Join the Conversation