fbpx

“Lives of Filipinos in the Middle East is of national interest, kaya ako nandito!” – Pres. Duterte

"The lives of Filipinos in the Middle East is of national interest, kaya ako nandito," Pangulong Duterte.

0
lives of filipino is of national interest
127 Shares

Mariing pinagdiinan ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa harap ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Israel ang kahalagahan ng buhay ng mga Filipinos sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, itinuturing ng kanyang administrasyon na “national interest” ang buhay ng mga Filipino na malayo sa kani-kanilang pamilya lalu na ang nasa Middle East.

“The lives of Filipinos in the Middle East is of national interest, kaya ako nandito,” ayon sa Pangulong Duterte.

Ito ang isang dahilan kung bakit ang Pangulo ay bumisita sa Israel, kauna-unahan sa history ng mga pangulo ng Pilipinas na bumisita sa bansang Israel o Holy Land.

Napaiyak rin ang Pangulo matapos umawit dahil sa sigla ng mga kababayan habang ipinagdidiwang ang pagbisita ng Pangulo.

“This is my first time na napaluha ako na bumisita sa mga kababayan nating Filipino. Nakikita ko na happy ko kayo, it gives me the greatest pleasure… that I have done something to make my fellow Filipino brothers and sisters happy,” dagdag ng Pangulo.

Maliban dito ay sinagot rin ni Pangulong Duterte ang akusasyon at intriga sa kanya na hindi umano siya naniniwala sa Dios.

READ  Alamin ang matinding dahilan kung bakit hindi uubra ang 'Oust Duterte' plan!

“I believe in the Supreme God that my father and my mother passed unto me. So huwag kayong maniwala sa intriga na hindi ako naniniwala sa Dios. Pulitika lang yan.”

Hindi rin maitago ni Pangulong Duterte ang pagpapasalamat ng kanyang puso bilang ama ng bansang Pilipinas dahil sa mabuting pakikitungo ng gobyernong Israel sa mga Filipinong naninirahan sa Israel.

“I would like to thank Israel for inviting me to visit the Holy Land. I would also like to say ‘Thank You’ for hosting so many of my countrymen of this state of Israel, and for being good to my countrymen”

Ang pagpunta sa Israel ay pagkakataon rin para ipaalam sa gobyernong Israel ang kahandaan ni Pangulong Duterte na makipagtulungan sa kanila lalu na’t sa ikabubuti ng mga OFWs doon.

“I will have to dialogue to the Israeli government, tingnan ko kung ano maitulong ko para mas mapabuti pa ang kalagayan ng kapwa ko Filipino.”

 

(video: Radyo Pilipinas)

127 Shares
In this article


Join the Conversation