Lolo na ice cream vendor na na-hit-and-run ng jeep, umaasang matutulungan ng may magandang loob

Sa halip na tumigil at tingnan ang kalagayan ng kawawang matanda ay mabilis na tumakbo ang jeep.

108 0

Walang nagawa at naupo na lamang si lolo na isang vendor ng ice cream sa isang tabi habang tinitingnan ang kanyang ice cream cart na sira. Makikita rin ang galos at may dugo rin ito sa kanyang binti.

Ayon sa post ng isang Facebook page na may pangalang Matalinong Matsing, nasagian umano si lolo ng isang jeep habang nagtitinda ito sa may MGH Sta. Maria. Sa halip na tumigil at tingnan ang kalagayan ng kawawang matanda ay mabilis na tumakbo ang jeep.

Tinangka naman ng mga nakakita na habulin ang jeepney ngunit hindi nila ito naabutan. Ganunpaman ay nakuha ang plate number ng jeep at nalaman rin kung saang ruta ito patungo.

Umaasa ang marami na mabibigyan ng hustiya o tulong man lamang ang matanda.

Narito ang post sa nasabing Facebook page at ilan sa mga photos:

KAWAWA naman si Lolo na isang vendor ng ice cream. Sinagasaan siya ng pampasehorong jeep tsaka tinakbuhan na lang. Kung sino ka man gumawa nito kay Lolo makakarma ka rin! Di ka na naawa sa matanda pagkatapos mong i-cut at sagiin bigla mong tinakbuhan. Di ka na naawa sa pamilya nyang umaasa sa kanya! Nakita pa ng mga ilang tao sa may MGH Sta Maria at napadpad pa sa kanal si Lolo, hinabol ka pero mabilis mo pa din pinatakbo ang jeep mo. Ang plate number ng PUJ ay CVE 415 biyaheng Norzagaray. Salamat po at sana maiSHARE ninyo sa page ninyong Matalinong Matsing para kumalat at mag viral ng sa ganun mahuli ang gumawa nito kay lolo 😭

READ  Babaeng nakabangga sa bata, umalis na lang na parang walang nangyari.

Ayon sa isang netizen na si Beverly Malazo ay nararapat daw na tanggalan ng lisensya ang mga driver na gumagawa ng ganito.

“Hindi maiwasan ang aksidinting ganyan,pero sana wag takbuhan at panagutan kung anung naging pinsala,kawawa naman si lolo,dapat sa driver nayan alisan ng ng lisinsya at baka maulit nanaman sa iba ang pangyayaring ganyan.”

Huwag kaligtaang i-share. Maaaring makarating ito sa taong handang tumulong kay lolo upang muli siyang makabalik sa paghahanapbuhay na marangal.

(Photos and video: Matalinong Matsing)

In this article

Join the Conversation