fbpx

P. Duterte wisely offers engineers, doctors, soldiers, and medecine as aid to flood-stricken Japan

Mga engineers ang tutulong sa muling pagsasaayos ng mga pangunahing facilities. Mga doctors at medisina naman ay para sa may sakit. Ang mga sundalo ay para sa pagtulong sa pagpapatibay...

0
duterte japan
1 Shares

Mga engineers, doctors, sundalo, at mga gamot ang ipapadala ng Pangulong Duterte sa Japan bilang tulong dahil sa pananalasa ng baha sa nasabing bansa.

Ito ang ipinahayag ni presidential spokesperson Harry Roque sa pamamagitan ng isang press briefing. Ayon din kay Roque ay si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang magre-relay ng nasabing tulong ng Pilipinas sa Japanese ambassador.

Mahigit 130 tao na ang namamatay dahil sa sunod-sunod na pag-ulan at matinding mudslide at pagbaha sa mga nakalipas na araw sa timong-kanlurang bahagi ng Japan.

Libo-libong mga bahay at pamilya na rin ang walang kuryente at malinis na tubig para sa inumin sa Hiroshima at iba pang lugar na lubhang tinamaan ng baha.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshinide Suga, 75,000 sundalo at emergency workers ang naipadala na para sa rescue and search missions.

Isang matalinong hakbang ang ginawa ng Pangulo dahil ito mismo ang pangunahing pangangailangan ng Japan sa kasalukuyang disaster na nararanasan ng Japan.

READ  CPP-NPA nagpaplanong mapatalsik si P. Duterte habang isinasagawa ang peace talks

Mga engineers ang tutulong sa muling pagsasaayos ng mga pangunahing facilities. Mga doctors at medisina naman ay para sa may sakit, disabled, mga bata at matatandang lubhang apektado ng baha. Ang mga sundalo ay para sa pagtulong sa pagpapatibay ng kaayusan sa mga apektadong lansangan at pasilidad.

Ang Pilipinas ay may maayos na relasyon sa Japan sa mga nakalipas na dekada. Kamakailan lamang ay nagbigay ang Japan ng pledges upang muling makabangon ang Marawi city matapos ang pagsugpo ng gobyerno laban sa mga terorista.

Suportado rin ng Japan ang ilang mga proyekto ng gobyerno tulad ng paggawa ng subway system sa metropolitan Manila, energy development, maritime safety, at ang laban ng gobyernong Duterte kontra sa ilegal na droga.

1 Shares
In this article


Join the Conversation