fbpx

Pagbabago sa EDSA: Mga provincial buses hindi na papasukin sa EDSA mula July 16

Tinatayang nasa 2,000 mga buses ang mawawala sa EDSA sa mga nasabing limiting hours. Ang mga mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P2,000.

0
pilipinas duterte EDSA traffic2
221 Shares

Mula July 16, 2018 ay may oras na hindi papayagan ang mga provincial buses na pumasok sa major areas sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) upang maibsan ang traffic sa nasabing lugar. Partikular na ang kahabaan ng Cubao, Quezon City hanggang Taft Avenue ng Pasay City ang masasarhan sa pagpasok ng mga buses na biyaheng probinsya.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang nasabing hakbang ay upang mabawasan ang dami ng sasakyan at ma-maintain ang magaang daloy ng trapiko sa nasabing pangunahing lansangan. Ito ay bahagi ng programa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang pagpapanimula ng kanilang ninanais na pagbabago sa naturang lansangan.

Noong Linggo ay inumpisahan na rin ng DPWH ang pagsasaayos ng drainage sa bahagi ng A. Bonifacio ng North Luzon Expressway (NLEX). Inumpisahan na ring ayusing ang elevated guideway para sa MRT Line 7 sa North Avenue na tinatayang aabutin ng tatlong buwan.

Sa July 7 naman ay uumpisahang ayusin ang leak ng isang water mainline sa EDSA Shaw Boulevard na aabutin ng isang buwan. May mga cracks naman na aayusin sa Buendia Bridge sa Makati area.

READ  Pinuri ng UN Migration Agency si P. Duterte dahil sa pagsasabatas ng BOL

Dahil sa mga nasabing pagkukumpuni ay minabuti ng Metro Manila Council na aprubahan ang isang resolution na naglilimita ng operation hours ng mga provincial buses sa EDSA.

Ayon sa resolution, ang mga provincial buses ay hindi maaaring pumasok sa EDSA mula 5:00 ng umaga hanggang 10:00 at mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi, ito ay mula Lunes hanggang Biyernes lamang.

Ang mga provincial buses na manggaling sa Bicol at timog ng Luzon ay maaring tumigil hanggang Pasay City lamang, at ang mga magmumula naman sa gitna at hilagang Luzon ay maaaring mag-unload ng pasahero hanggang sa mga terminal na makikita sa EDSA Cubao.

Ang mga maapektuhang buses ay exempted sa number coding scheme na ini-implement ng MMDA.

Tinatayang nasa 2,000 mga buses ang mawawala sa EDSA sa mga nasabing limiting hours. Ang mga mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P2,000.

Magbibigay naman ng alternatibong ruta ang MMDA na maaaring makita sa kanilang website www.mmda.gov.ph.

Ano ang masasabi mo dito? Umpisa na kaya ito ng pagbabago ng lagay ng trapiko sa EDSA?

Source: UNTV News

221 Shares
In this article


Join the Conversation