fbpx

Pinuri ng UN Migration Agency si P. Duterte dahil sa pagsasabatas ng BOL

Idinagdag rin ni IOM na lubos at patuloy ang suporta nito sa gobyerno at sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang manatili ang kapayapaan ang pag-unlad ng mga taong naninirahan...

0
IOM Duterte BOL
104 Shares

Pinuri ng International Organization for Migration (IOM) ng United Nations (UN) ang leadership ni Pangulong Duterte dahil sa pagpirma at pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa pamamagitan ng isang sulat na binasa ni IOM Philippines Chief of Mission Kristin Dadey noong nakipagpulong ito kay Presidential Peace Adviser Jesus G. Dureza, sinabi ni IOM Director General William Lacy Swing na ang pamumuno ni President Duterte ay tapat sa ipinangakong pagbibigay ng kapayapaan at seguridad sa Mindanao.

Ang pagsasabatas ng BOL ay nagbibigay umano ng karapatan at pribelehiyo sa mga Filipinong Moro na magkaroon ng sariling pamamahala sa kanilang mga minanang lupa sa Mindanao.

Idinagdag rin ni IOM na lubos at patuloy ang suporta nito sa gobyerno at sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang manatili ang kapayapaan ang pag-unlad ng mga taong naninirahan sa Mindanao.

IOM BOL Dureza

“IOM remains ready to assist with the socio-economic development of the Bangsamoro region and to the transition of the MILF base camps into productive and peaceful communities,” ayon sa sulat ni Swing.

READ  P. Duterte wisely offers engineers, doctors, soldiers, and medecine as aid to flood-stricken Japan

Noong 2017 ng Abril, isinama ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang IOM bilang isa sa kanilang implementing partners para sa 2017 PAyapa at MAsaganang PamayaNAn projects (PAMANA) partikular na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Bilang tugon ay pinasalamatan ni Secretary Jesus Dureza ang IOM dahil sa commitment at suporta nito sa mga programang pangkapayapaan ng gobyerno.

“Right now, all hands on deck, with our (GPH-MILF Implementing) panels leading on how to move forward with normalization. Any assistance that IOM could provide should be part of that whole effort,” ayon kay Sec. Dureza.

(Source/photos: peace.gov.ph)

104 Shares
In this article


Join the Conversation