fbpx

Salamat P. Duterte sa mas pinabilis na pagkuha ng passport!

Ang pagpapaikli ng pagkuha ng pasaporte ay isang malaking tulong sa mga Filipinong nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.

0
passport 6 working days
83 Shares

Mula October 1 ay mas pinaikli na ang araw ng paghihintay para makuha ang Philippine passport. Ang dati-rati na 15-20 working days na paghihintay ay ginawang 12 days na lamang. Kung papadaanin pa sa Express Processing ay hanggang 6 working days na lamang!

Ang pagtulong upang maibsan ang mga paghihirap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay isa sa mga priorities ni Pangulong Duterte. Bilang namumuno sa Department of Foreign Affairs ay nagbigay ng pangako si Secretary Alan Peter Cayetano kay Pangulong Duterte at sa kababayang Filipino upang maisakatuparan ang kagustuhan ng Pangulo na makatulong sa mga OFWs.

“We made a promise to the President and to our kababayan that we will work hard to give them fast, efficient, and secure passport services… Shortening the length of time our kababayan would have to wait before they could receive their passports is part of that promise,” ayon kay DFA Sec. Cayetano.

Ang pagpapaikli ng pagkuha ng pasaporte ay isang malaking tulong sa mga Filipinong nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.

Kasalukuyan na rin pinag-aaralan kung paano paiikliin ang paghihintay ng pagkuha ng passport sa mga Filipino na nasa ibang bansa sa pamamagitan ng mga Philippine Embassies and Consulates General sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay maabot sa dalawang buwan ang paghihintay ng mga Filipinong nais kumuha ng passport o mag-renew ng passport.

READ  Imee Marcos, tuloy na tuloy na sa Senado!

Ipinagmamalaki ngayon ng DFA na sa maikling panahon ay nakapag-proseso sila ng halos 20,000 na mga pasaporte sa isang araw.

“From the 9,500 passports that were being processed daily in May last year, we have increased our capacity to almost 20,000 passports a day. We endeavor to increase this number to 30,000 by the end of the year,” the Secretary said.

“Providing better passport services is at the heart of our work at the DFA,” dagdag ni Secretary Cayetano.

passport_releasing_schedule_3
DFA

 

83 Shares
In this article


Join the Conversation