fbpx

SAP Bong Go, may mahalagang paalala sa lahat ng empleyado ng gobyerno kaugnay ng viral video ni Cong. Bertiz

Sa post ay makikita ang dalawang photos na kung saan maging si Pangulong Duterte mismo ay kusang itinataas ang kamay upang sumailalim sa normal security check ng NAIA.

0
35 Shares

Maging dilawan man o DDS ay nagkakaisa sa gigil at pagkayamot laban sa inasal ni ACTS OFW Partylist Representative Aniceto Bertiz III ng dumaan ito sa physical screening sa NAIA.

Makikita sa video na kumalat sa Internet na mistulang naghari-harian si Cong. Bertiz ng aktong kakapkapan sana bilang bahagi ng normal security routine sa NAIA. Marami ang nagalit sa nakita nila sa video.

Bukod dito ay kumalat rin ang isa pang video na kung saan ay nakikipagsigawan ang nasabing Congressman sa isang leader ng OFW sa Hongkong.

Sa videong nabanggit ay makailang beses na dinuro ni Cong. Bertiz ang matagal ng leader ng OFWs sa nasabing bansa.

Si Cong Bertiz rin ang nag-apology kamakailan dahil sa ‘joke’ nito sa panahon ng panunumpa ng mga bagong engineers. Hindi daw bibigyan ng license ang mga hindi nakakakilala kay Bong Go.

Dahil dito ay nagbigay ng mensahe si SAP Bong Go sa mga kawani at empleyado ng gobyerno:

STATEMENT OF SAP BONG GO:

Pinapa-alalahanan ko lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na maging tamang ehemplo sa ating mga mamamayan. Andito tayo sa gobyerno para magsilbi sa kapwa at hindi pagsilbihan o mabigyan ng special treatment.

READ  Good job! Davao firefighters extinguished effigy burning to implement Clean Air Act

It has always been our practice, even in Davao City when the President was still mayor, to follow rules, directives and procedure. As government officials, we were never exempted from adhering to such. In fact, the President himself will not ask us to be spared from yielding to authority and respecting the law.

Ang security check sa mga airports ay para rin sa ating kaligtasan kung kaya’t dapat tayo sumunod sa patakaran. Walang exemptions dapat. Habang totoo po na si Congressman Bertiz ay isang kaibigan, hindi ko kontrolado ang mga sinasabi at ginagawa niya. Siya na po ang mag-explain kung ano talaga ang tunay na nangyari doon sa video na nag-viral.

Maging leksyon sana ito sa lahat ng nasa gobyerno. Importante ang disiplina para umunlad. Ang disiplina at mabuting ugali ay dapat magsimula sa atin.

#gophilippinesgo

Sa post ay makikita ang dalawang photos na kung saan maging si Pangulong Duterte mismo ay kusang itinataas ang kamay upang sumailalim sa normal security check ng NAIA.

Ano po masasabi nyo dito?

35 Shares
In this article


Join the Conversation