fbpx

Solar-powered irrigation systems sa buong bansa, nasimulan na!

Kapag nakumpleto ang nasabing plano ay magdaragdag ito ng walong metric tons per hectare na supply ng palay kada taon. Sapat na umano ito upang pakainin lalu na ang mga...

0
SOLAR POWERED NA PATUBIG
67 Shares

Tinatayang aabot ng 500,000 ektarya ng sakahan ang kailangang ma-supply-an ng tubig (irrigation) upang makamit ang rice self-sufficiency sa taong 2020.

Dahil dito ay isinakatuparan na ng pamahalaang Duterte sa pamamagitan ng Department of Agriculture ang paglalagay ng Solar Powered Irrigation Systems (SPIS) sa iba’t-ibang locations sa bansa.

Kapag nakumpleto ang nasabing plano ay magdaragdag ito ng walong metric tons per hectare na supply ng palay kada taon. Sapat na umano ito upang pakainin lalu na ang mga mahihirap na Pilipino maging sa panahon ng post-harvest seasons.

“A rice field producing four metric tons per year without effective irrigation can produce six metric tons two times a year when consistent water supply is maintained. With that estimate, we’ll be able to yield an additional eight metric tons per hectare every year from the additional 500,000 hectare irrigated farmland, which is equivalent to four million metric tons. This is enough to feed our people, even with post-harvest losses considered,” pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ang nasabing patubig (irrigation) na gamit ang solar energy ay kinukunsidera na “thinking outside the box” ni DA Secretary Pinol.

“We need to think outside the box if we want to achieve rice self-sufficiency,” ayon kay Sec. Piñol

READ  "Your Presidency is a blessing", ayon sa isang international geopolitics expert

Noong Agosto 20 ay na-turnover na ang kauna-unahang functional na SPIS sa Brgy. New Janiuay, M’lang, North Cotabato. Hangad ng DA na malagyan pa ng parehas na sistema ang iba pang bahagi na lugar sa Pilipinas ayon sa plano.

Dahil sa SPIS ay inaasahan na magiging doble ang turnout ng mga bigas sa isang taon at aabot ito ng 120 sako kada hektarya sa panahon ng cropping season.

“Our country has a 3.9 million (M) hectares of land for farming, but only 1.2M hectares has effective irrigation. This leaves us with 2.7M hectares of unirrigated farmlands,” paliwanag ni Piñol.

“Remember that food grows where water flows, and we need good and efficient irrigation systems if we want to attain our rice self-sufficiency target,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay mayrron pang 169 na SPIS ang itinatayo sa buong bansa at inaasahang tataas pa ang bilang nito matapos maaprubahan ang P44 bilyon na budget.

Please SHARE kung ito ay good news para sayo at sa buong Pilipino!

(Source: www.da.gov.ph)

67 Shares
In this article


Join the Conversation