pilipinas rocks owwa sanitary napkin hardware expensive 2

Halos 1 milyong sanitary napkins nabili ng OWWA sa hardware. Pinagbilhan ‘di makita sa address!

538 Shares

Punong-puno ng red flags at anomalya ang nakita ng Commission on Audit (COA) sa pagbili ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng hygiene kits at sanitary napkins.

Sanitary napkins at hygiene kits na sobrang mahal

Una, sobrang mahal ang pagkakabili ng OWWA sa mga nasabing produkto. Iyong sanitary napkin na mabibili lamang ng Php5-Php8 sa isang tindahan ay nabili ng OWWA sa halagang Php10-Php30, malinaw na may pagwawaldas ng pera ng bayan sa nasabing transaction.

“The composition of the hygiene kits costing P160 per kit was not itemized; The procured sanitary napkins (P10, P20, P30) per pad is very costly, the napkins can be bought in small sari-sari stores at P5.00-P8.00 per pad only,“ ayon sa COA report.

Ang kabuuang halagang naibayad ng OWWA para sa hygiene kits at sanitary pads ay Php969,920.

Binili sa isang hardware supply

Pangalawa, ang pinagbilhan ng OWWA ng hygiene kits at sanitary napkins ay isang hardware shop! Hindi kaya sideline lang ng MRCJP Construction and Trading, ka-transaction ng OWWA sa nasabing anomalya, ang pagbebenta ng construction materials?

Nagtataka rin ang COA kung bakit sa isang hardware nabili ang mga nasabing produkto dahil kung tutuusin ay napakalapit lamang ng Mercury Drugstore sa office ng OWWA.

“It is unlikely that these items were bought from a store which deals with construction supplies or hardware, considering that the Mercury Drugstore is just around the vicinity of the OWWA,” dagdag pa ng COA.

Wala sa physical site

Dahil sa questionableng transaction ay minabuti ng COA na magdaos ng ocular inspection upang malaman kung meron ngang MRCJP Construction and Trading na may address na No. 80 M Cornejo Street, Malibay, Barangay 161 sa Pasay City.

Tamang hinala, wala ngang ganoong shop sa address na binigay mismo ng OWWA!

Kinuwestyon din ng COA ang pagbili ng bottled water at snack items tulad ng Lemon Square, Fudgee Bar, Dowee Donut at Cupcakes sa halagang P300,000 mula sa isang caterer.

“These items are available in Supermarkets/Hypermarkets within the vicinity of Pasay City. The Audit Team also noted that the unit price of the items procured was not indicted in the ORs (official receipts) issued by the caterer,” ayon sa audit report.

Sa kabila nito ay COA pa ang pinagbuntunan ng galit ni Pangulong Duterte.

Ano kaya ang masasabi dito ni OWWA Deputy Administrator Mocha Uson maliban sa pag-iwas ng kanyang pangalan sa issue?

loading...