pilipinas-rocks-11k cebuanos libreng sakay leni robredo

11K Cebuanos, nabiyayaan ng libreng sakay ng OVP sa gitna ng COVID-19 crisis

21 Shares

Limited ang budget. Walang 9 trillion na utang. Maraming natutulungan. Maraming gustong mag-volunteer. Ganito ang inspirasyon na ibinibigay ni VP Leni sa mga Filipino lalu na sa panahon ng COVID-19 crisis.

Lampas 11,000 na mga kababayan nating Cebuanos ang nakinabang sa free shuttle program ng Office of the Vice President (OVP) sa loob lamang ng isang buwan.

Ayon sa Facebook post ni Vice President Leni Robredo, umabot ng 11,768 passengers ang naitala na nabiyayaan ng libreng sakay sa Cebu. Ang nasabing programa ay sinimulan noong July 2020 at halos umabot rin sa 200 na mga volunteers ang nakilahok.

“Over 30 days, we have served 11,768 passengers across four routes, which covered Cebu City, Mandaue City, Talisay City, Consolacion, Talamban, and Naga City,” ayon kay Robredo.

Napagdesisyunan ng OVP na tapusin na ang Bayanihan Sugbuanon program dahil inaasahang babalik na sa normal ang transportation sa Cebu dahil sa pag-downgrade sa general community quarantice (GCQ).

Ang last trip ng libreng sakay sa Cebu na pinamunuan ng OVP ay noong Sabado, Agosto 8.

“It has been our honor to serve our Cebu frontliners, and we will continue to show our support through our #BayanihanSugbuanon efforts. Daghang salamat sa inyong tanan!” dagdag ni Robredo.

loading...