pilipinas-rocks-24 7 international buffeet sea games 2019

24/7 international world-class buffet, nae-enjoy ng delegates at athletes sa Athlete’s Village ng New Clark City

24 Shares

Mala-hotel na accomodation at bente-kwatro oras na buffet ang nae-enjoy ngayon ng mga delegates at athletes ng SEA Games 2019 sa New Clark City, Capaz, Tarlac.

Walang reklamo at puro paghanga ang nasambit ng isang delegate na si Sim Chanta mula sa Cambodia. Partikular niyang nakita ang world-class na pagkakagawa ng mga facilities sa Athletes’ Village.

Foreign delegates

Ayon sa Cambodian national, ito raw ang una niyang pagkakataong makapunta ng Pilipinas at napakaganda ng impression sa kanya.

Maging mga local players ay satisfied sa kanilang karanasan sa New Clark City.

“For the past five days na we’ve been here ay okay naman. Pinapakain naman kami, maayos naman inistay-yan namin”, ayon kay Christine Hipol, Team Captain ng Philippine Women’s Water Polo.

Bawat kwarto sa Athlete’s Village ay maaaring tumanggap ng dalawa o tatlong tao. May aircon, TV, closet, at bathroom na kalintulad sa mga maaayos na hotels.

PWD-friendly

Nasa isipan rin ng mga nagdesinyo ang kapakanan ng mga taong may disabilities kaya maaari ring ma-enjoy ng mga PWDs ang pag-stay sa mga rooms.

“Lahat ng mga facilities namin ay kumpleto na po. 100%. All the rooms are ready to accommodate about 1,000 athletes po”, buong galak na ibinahagi ni Arrey Perez, Deputy Director General ng Athletes Village Safety and Security Games, sa interview ng ABSCBN.

Local reporter humanga rin

Maging ang GMA reporter na si Mav Gonzales ay hindi rin mapigilang humanga sa Athletics Stadium.

“Been traveling 6 hours daily to deliver the news from New Clark City. Hopefully we can replicate this sports facility in other parts of the country because WOW. ANG GANDA MGA BES.” post ni Mav sa kanyang Facebook account.

24/7 International buffet

Ang catering services naman ay puno ng iba’t-ibang putahe at lasa na matutunghayan mula sa bansang kabilang sa SEA Games. Ang maganda pa nito ay 24/7 na ready para sa mga delegates.

Mula sa mga appetizers hanggang sa main dishes ay buong pinagmamalaki ng mga chef na lahat ay halal certified. Ibig sabihin nito ay maaaring makain ng mga miyembro ng Islam community.

Marami sa mga delegates mula sa Malaysia, Indonesia, at Singapore ay mga muslim at mahalaga sa kanila na ang kanilang pagkain ay naaayon sa kanilang paniniwala.

Ayon sa mga naghahanda ng pagkain para sa mga atleta, ang pagbibigay ng saganang pagkain ay nagpapakita ng skills ng mga Pilipino sa pagluto at pagiging hospitable bilang host ng SEA Games 2019.

Video: ABSCBN