pilipinas-rocks-janitress gretchen diez transgender

4 Reasons why transgender Gretchen Diez can use the male toilet according to janitress

Habang na kay Gretchen Diez ang attention ng marami ay nagsalita na rin ang janitress na pumigil kay Gretchen sa paggamit ng pambabaeng toilet.

Sa pamamagitan ng video na interview ng PressOne ay ipinahayag ng janitress na si Chayra Ganal ang nangyari ayon sa kanyang nalalaman.

Pinakiusapan umano ni Chayra si Gretchen na gamitin na lamang ang panlalakeng toilet dahil:

  • may mga babaeng nagrereklamo na may lalake (transgender) sa toilet nila
  • mahaba rin ang pila sa toilet ng PWDs
  • walang pila sa CR ng lalake
  • maaaring gamitin ang cubicle sa loob ng male toilet kung privacy ang kailangan

“Ma’am dito na po tayo sa CR ng lalaki.’ `Yung PWD hindi ko na po sa kanya na-offer `yun dahil dami din pong nakapila. `Yung sa CR kasi po ng lalaki nakita ko du’n walang pila, walang tao“, ayon kay Chayra na nagtatrabaho sa Farmers Plaza Mall sa Cubao, Quezon City.

Naglivestream sa halip na umihi

Maaari naman daw gamitin ni Gretchen ang cubicles sa CR (comfort room) ng mga lalake, ngunit hindi ito tinanggap ni Gretchen at sa halip ay kinuha ang cellphone at naglivestream ng mga pangyayari.

Imbis na po siya mag-CR du’n, kinuha niya po `yung cellphone niya, tinapat niya po sa mukha ko, sabi ko, ‘Ma’am bakit n’yo po ako kinukunan ng picture,” ayon kay Chayra.

Inamin ni Chayra na nagulat siya ng biglang kinuha ni Gretchen ang cellphone at akalang kukuhanan ng picture.

“Sabi niya, ‘Hindi ito picture, ate, live ito, kaway ka, kaway ka, naka-live video ito, promise sisikat ka’”, dagdag ni Chayra.

Kinaladkad?

Pinakiusapan ni Chayra si Gretchen na i-delete ang video ngunit hindi pumayag ang transgender. Dito na humingi ng tulong ang janitress sa mga security guards.

Nagpumiglas umano si Gretchen at tinamaan ang tiyan ng isa pang janitress na pitong buwang buntis kaya hinawakan ni Chayra si Gretchen sa braso at si Gretchen naman ay nakahawak sa kamay ni Chayra habang papunta sila ng security office.

Ayon sa mga video na kumakalat sa Internet ay kinaladkad umano si Gretchen ng janitress. Ayon naman kay Chayra ay imposible daw na kaladkarin ni Chayra si Gretchen dahil mas malaki ito kaysa sa kanya at mas malakas bilang transgender.

Ang pangyayaring ito ay halos kasabay ng isinusulong ni Senator Risa Hontiveros patungkol sa “rights” ng LGBTQ+.

Ano masasabi mo dito? Sapat ba ang mga dahilan ng janitress para pakiusapan si Gretchen na sa CR na lamang ng lalaki umihi?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page