pilipinas-rocks-tithe para buhayin si kobe bryant

$50M tithes ang kailangan para buhaying muli si Kobe Bryant at Gianna ayon sa isang propeta

188 Shares

Naniniwala ang isang Ghanaian prophet na si Nigel Gaisie na kaya niya umanong buhayin si Kobe Bryant at ang anak nito na si Gianna mula sa kamatayan.

Habang nangangaral si Nigel sa kanyang bahay sambahan ay sinabi niya sa kanyang mga miyembro na binigyan umano siya ng instruction ng Panginoon na pabalikin ang buhay ng nasabing NBA at basketball star legend kasama ang anak nito.

Isang malaking balita para sa buong mundo ang milagrong nais gawin umano ng Dios sa pamamagitan niya.

“The Lord just took me into the spirit world, and I have seen a great man fall…This news will shake the entire world because of how great this man is. I see a lot of people on social media talking about the man for weeks to come and I see a lot of sad faces,” ayon kay Nigel.

Hindi raw kalooban ng Dios na mamamatay ang kilalang taong ito.

“America will mourn this great man. The Lord then instructed me to announce to the family of this man, the American embassy in Ghana and the entire world that He the Lord has not sanctioned the death of this man,” dagdag ni Nigel.

Ngunit may malaking condition para maibalik ang buhay ni Kobe. Narito umano ang sinabi sa kanya ng Dios.

“Nigel, tell the family of this man and tell the entire world, should they agree to pay my tithes and offerings I will use you as a vessel to bring this man and his daughter back to life.”

Pagkatapos nito ay hinimok niya ang kanyang mga miyembro na mag-speak-in-tongues at manalangin. Ang speaking in tongues sa mga charismatic groups ay pagsasalita ng hindi nauunawaan. Sa ikalawang pagkakataon ay idiniin niya na nais daw ng Dios na makabalik sa mundo ng mga buhay si Kobe.

“He again said to me, ‘Nigel, tell the family of this man and tell the entire world, should they agree to pay my tithes and offerings I will use you as a vessel to bring this man and his daughter back to life.’”

Mahigpit raw ang bilin sa kanya ng God Almighty na dapat ay 10% ang ibibigay sa kanya upang maisakatuparan ang malaking milagro na ikagugulat ng mundo.

Binalaan rin ni Nigel ang kanyang mga miyembro na huwag magduda sa kanyang mga salita dahil katumbas raw nito ay sumpa mula sa Dios.

Read: Outbreak: Katangahan mas mabilis kumalat 10,000 faster kesa coronavirus.

Si Kobe Bryant kasama ng kanyang anak ay napabilang sa mga nasawi sa isang helicopter crash noong Linggo lamang. Ikinagulat ito ng marami.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito?

loading...