pilipinas-rocks-donation drive vp leni naideliver na

Pag-deliver ng 7,350 PPE Daily Sets para sa 490 frontliners naumpisahan na

9 Shares

Dahil sa pagtutulungan ng mga concerned na mamamayan at sa pangunguna ng Office of the Vice President Leni Robredo at partner group nito na Angat Buhay ay nakalikom na nang Php17.3 million sa loob lamang ng 4 na araw upang mabigyan ng tulong ang mga frontliners.

Ang pondo ay primarily gagamitin para sa mga frontliners at health workers na unang humaharap sa mga kaso ng COVID-19. Malaking tulong ang Personal Protective Equipments (PPE) sa mga frontliners upang maiwasan ang pag-contaminate ng virus sa kanila.

Iniulat ng Facebook page ni VP Leni Robredo na noong Marso 16 Lunes ay nagsimula nang i-deliver ang unang batch ng 7,350 PPE Daily Sets. Ang PPE Daily Sets ay sasapat sa loob ng 15 days para sa mga frontliners.

Sa tulong ng Transportify at Ninjavan ay naibabahagi ang mga PPE Daily Sets sa mga hospitals na mas kailangan ito.

Ang mga hospital na tumanggap na ng PPE Daily Sets ay ang mga sumusunod:

  • San Lazaro Hospital, Manila (for 50 frontliners)
  • Philippine General Hospital, Manila (for 100 frontliners)
  • UP–National Institutes of Health, Manila (for 50 frontliners)
  • Lung Center of the Philippines, Quezon City (for 100 frontliners)
  • Philippine Heart Center, Quezon City (for 50 frontliners)
  • Quirino Memorial Medical Center, Quezon City (for 50 frontliners)
  • Philippine Orthopedic Center, Quezon City (for 30 frontliners)
  • Veterans Memorial Medical Center, Quezon City (for 30 frontliners)
  • East Avenue Medical Center, Quezon City (for 30 frontliners)

Marami pang humihiling na hospitals na sila man ay mabigyan rin ng PPE Daily Sets para sa kanilang frontliners, ngunit dahil sa limitasyon sa supply ay hindi agad ito maisasakatuparan.

Sa mga may alam kung saan pa maaaring makakuha ng PPE Daily Sets ay maaari nyo pong i-email ang angatbuhay@gmail.com o tumawag sa +63 998 596 8820.

Para naman sa mga gusto pang magbigay ng kanilang donation ay i-click po ang link bit.ly/COVID19frontliners. Note: capital letters po ang ‘COVID’ kung ita-type sa browser.

Ang pagtutulungang ito ay hindi mangyayari kung walang cooperation at tiwala ng mamamayan kay VP Leni at sa organisasyong Angat Buhay.

loading...