pilipinas-rocks-zac gordula math wizard

8-yr-old ng Laguna umuwi ng ginto mula sa international Math competition sa Vietnam

117 Shares

Mula sa Los Baños, Laguna ang isang batang nanalo ng top prize sa ginanap na international Math competition sa Vietnam.

Si Zac Harvey Gordula ay walong taong gulang pa lamang ngunit marami na itong honors na nailalagay sa kanyang pangalan, mga magulang, at paaralang kanyang pinapasukan. Isa siyang Math wizrd mula sa Lopez Elementary School sa Los Baños, Laguna.

Dalawang gold medals ang naiuwi ni Zac mula sa 2019 Singa or Singapore Math Global Team Competition na ginanap sa Ho Chi Minh City sa Vietnam noong November 22-26.

Sa individual category ay nakuha ni Zac ang top spot para sa Grade 3 level. Sa group category ay panalo rin ang team na kung saan kabilang si Zac. Kasama niya sa group ang dalawa pang Math wizards mula sa Indonesia at host country na Vietnam.

Nakakuha rin siya ng trophy sa pagiging overall runner-up mula sa mga Grade 3 students na lumahok sa global competition.

Isa sa mga layunin ng Singa competition ay i-foster ang strong teamwork at collaboration among Math wizards sa pamamagitan ng pagbibigay ng high level of competition platform na naka-focus sa Math skills.

Hindi ito ang unang pagkakataon na makakuha ng top spots si Zac sa mga international Maths competition. Noong July 2019 ay nanalo rin siya ng ginto at dalawang bronze medals mula sa 5th Singapore International Math Olympiad Challenge na ginanap mismo sa Singapore.

Mabuhay ka, Zac! Saludo kami sa dedication mo.

Photo credit: Cherille Zaira Sison Gordula / Facebook
Photo credit: Cherille Zaira Sison Gordula / Facebook