pilipinas-rocks-vp leni laban sa malnutrition

Action at di ngawa, VP Leni pinangunahan ang paglaban sa malnutrition

27 Shares

Tahimik na nagtatrabaho kahit walang sapat na pondo, yan ang malimit at consistent na nakikita kay Vice President Leni Robredo.

Dahil sa natukoy agad kung anong mga bayan sa lalawigan ng Iloilo ang nakatala ng pinakamababang antas ng nutrition para sa mga kababayan doon ay agad na binigyan ito ng tamang programa upang labanan ang malnutrition.

10MMM o 10 Million Mingo Meals ang tawag sa feeding program na inilunsad upang matulungan ang mga kababayan sa Badiangan at Concepcion na harapin ang kakulangan sa tamang nutrition na kailangan sa araw-araw.

“Long, tiring, but very productive day. Couldn’t get any better than this,” pahayag ng Bise-Presidente.

Kasama si Senator Franklin Drilon, na tubong Iloilo, ay pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang paglulunsad ng nasabing programa.

Pinasalamatan rin ng opisina ni VP Leni ang AngatBuhay at iba pang mga kasamahan at nagtitiwala sa adhikain ng Bise Presidente.

Marami ang natuwa sa patuloy na pag-action ng Bise Presidente sa mga problemang kinahaharap ng mga kababayan sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Ang mga programang tulad nito ay matagumpay na nailulunsad sa kabila ng limitadong resources ng opisina ng Vice President.

Ika nga ng marami ay “action at hindi asaran sa pulitika” ang numero unang ginagawa ng Bise Presidente.

Narito ang post ng opisina ni Vice President Leni Robredo patungkol sa feeding program sa nasabing mga bayan.

Nilunsad ni VP Leni ngayong araw ang 10 Million Mingo Meals (10MMM) feeding program sa mga bayan ng Badiangan at Concepcion sa lalawigan ng Iloilo. Personal niyang sinaksihan ang pagsisimula ng programa, kasama si Sen. Frank Drilon.

Ang dalawang bayang ito ay nakapagtala ng pinakamataas na malnutrition rate sa buong lalawigan ng Iloilo. Salamat sa tulong ng ating mga #AngatBuhay partners, kasama ang EMCOR at ang Jesus V. Rosario (JVR) Foundation, halos 500 na kabataang edad 6 hanggang 71 buwang gulang na malnourished ang makakatanggap ng regular na supplementary feeding bilang tugon sa kanilang kondisyon.

Kasama rin ang mga bayan ng Hinoba-an sa Negros Oriental, Maribojoc sa Bohol at Lambunao sa Iloilo sa mga lugar kung saan mayroong feeding program ang Angat Buhay. Nagawa itong posible sa tulong ng ating mga partners na patuloy na sumusuporta sa programa.

Isa ka rin ba sa natutuwa sa mga actions na ginagawa ng Bise Presidente para matulungan ang mga kababayang naghihirap? Ano masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page