pilipinas-rocks-mga paboritong nagpapahina ng buto

Alamin: 10 Mga paborito ngunit nagpapahina ng mga buto

27 Shares

Osteoporosis ang tawag sa condition na kung saan mahina at marupok ang mga buto ng tao. Kapag kokonti ang bone mass ay nangangahulugan ito ng madaling pagkabali ng mga buto.

Malimit mangyari ito sa mga matatanda, ngunit dahil sa konting kaalaman ay apektado na rin ang mga mas nakababatang henerasyon. Marami sa mga kinakain ngayon at ginagawa ay nagpapabilis ng pagkakaroon ng osteoporosis.

Ang calcium ang kailangan ng katawan upang maging matibay ang mga buto.

Narito ang sampung mga paborito at malimit ginagawa ngunit sanhi ng pagkahina ng ating mga buto:

1. Asukal at matatamis

Lampas 100% ang itinatapon na calcium ng ating katawan tuwing tayo ay nakakakunsumo ng 16 na kutsara ng asukal. Ang 375ml na softdrink ay mayroong 10 kutsarang asukal. Ilang baso ng soda drinks ang naiinom mo sa isang araw? Dagdagan mo pa ito ng isang candy at chocolate.

2. Asin (Sodium chloride)

Parang magka-away ang sodium at caldium sa ating katawan. Fini-filter ng maigi ng asin ang anumang calcium na pumapasok sa katawan. Sa “away” na ito ay laging panalo ang sodium. Bagaman kailangan din ngunit nirerekomenda na kaunting asin lamang ang gamitin para sa pagkain.

3. Kakulangan sa vitamins

Ang mga sumusunod na vitamins ay nagpapalakas ng ating buto: Vitamins D, K, B12, B6 and folic acid.

Ang Vitamin D ay makukuha ng libre sa sikat ng araw. Mayaman naman ng Vitamin D ang mga mushroom na maaaring kainin.

Basil, parsley, oregano, asparagus, cabbage, cucumber, at broccoli ang ilan sa mga sources ng Vitamin K.

May taglay na Vitamin B12 ang soy beans at iba pa pang produkto na hango dito. Sunflower seeds, saging, avocado, at spinach ay may taglay na Vitamin B6.

Wheat, orange, lettuce, mango, at iba’t-ibang klase ng mga butil tulad ng monggo at red kidney beans ay nagtataglay ng folic acid.

Ang magnesium, copper, at boron ay malaki rin ang naitutulong upang patibayin ang ating skeletal system. Sesame seeds, nuts, peas, almond, carrots, at dates ang ilan sa mga sources ng copper at boron.

4. Kakulangan sa pagkilos

Mabilis humina ang mga buto kapag ang isang tao, maging babae o lalake man, ay laging nakaupo, nakahiga, o walang ginagawa. Ang mga muscles na kailangang laging ginagamit ay nagpapatulong upang tumibay ang mga buto.

5. Caffeine

Matapos uminom ng kape ay itinutulak ng caffeine sa ating ihi ang calcium, magnesium, sodium, at chloride.

6. Alak

Ang paginom ng alak lalu sa maagang edad at kabataan ay sanhi ng pagkasira ng quality ng mga buto. Maghahantong ito sa pagkakaroon ng osteoporosis kinalaunan. Bagaman itinigil ang pag-iinom ay hindi na rin maibabalik ang maayos na quality ng buto sanhi ng pag-inom ng alak.

7. Sigarilyo

Pinaliliit ng sigarilyo ang bone mass at quality ng mga buto na siya namang nagiging ugat ng pagkakaroon ng fractures. Negatibong apektado rin ang pituitary, thyroid, adrenal, testicular at ovarian functions ng paninigarilyo.

8. Acidic food

Ang mga pagkain na nagbibigay ng maraming acid sa dugo ay nagdadagdag ng pagkawala ng calcium sa katawan. Mga pagkaing hango sa karne ang siyang sanhi ng pagbuo ng mga acids sa katawan. Ang cheese ang pinakamaraming acid na ibinibigay sa ating katawan.

9. Palagiang stress

Ipinakita ng pag-aaral na ang palagiang stress ay sanhi rin ng pagliit ng mga buto.

10. Depression

Ang matatanda na nakakaranas ng depression ay may 40% na mabalian ng buto dahil sa panghihina ng katawan. Hip fracture ang malimit na mangyari sa mga taong may depression lalu na ang mga matatanda.

Matatamis, maaalat, pagkaing acidic, kape, alak, sigarilyo ang mga pagkaing nagpapahina sa ating mga buto. Kawalang activity, depression, at malimit na pagka-stress ay malaki rin ang nagagawa upang maging marupok ang mga buto at madaling mabalian.

Panatilihing balanse at may variations sa gulay, prutas, at legumes ang pagkain. Gawing habit ang pag-exercise para lumakas ang muscles at mga buto. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay at pagiging masayahin ay nagpapalakas ng immune system.

Bagaman hindi maiiwasan ang pagtanda at paghina ng katawan, ngunit ang mga suggestions na nabanggit sa itaas ay napatunayan ng epektibo upang maging makabuluhan ang taglay na buhay.

SHARE this to your family and friends para maging matibay ang mga buto ng ating mga mahal sa buhay.

Source: WebMD, Mayo Clinic

loading...