Alamin ang kwento ng ate na laging nanghihingi ng pera sa kapatid

Isang post ang nagba-viral ngayon sa social media na may laman ng palitan ng text messages sa pagitan ng magkapatid: isang bunso na naghahanapbuhay sa ibang bansa, at isang ate na may sariling pamilya na.

Ayon sa palitan ng text messages ay makikitang sumakabilang buhay na ang mga magulang ng magkapatid. Dahil sa abroad naghahanapbuhay ang bunso ay inaasahang malaki ang sahod nito at mas nakakaluwag kumpara sa ate na umaasa lamang sa sahod ng asawa.

Tulad ng inaasahan sa kwento ay malimit humingi ang ate sa bunso dahil umano ay sa “kagipitan sa buhay”. May hanapbuhay naman ang asawa ng ate ngunit hindi umano ito sapat.

Ganito ang naging laging laman ng mga text messages hanggang sa nainis na ang bunso dahil sa lagi na siyang nagpapadala sa kanyang kapatid. Matiyaga namang gumagawa ng iba’t-ibang dahilan ang ate para lamang mapahiram.

Hanggang sa dumating ang panahon na nawalan na ng trabaho ang bunso sa abroad at uuwi itong walang ipon. Dahilan sa wala naman siyang ibang pamilya ay nakiusap siyang tumira sa bahay ng kanyang ate habang naghahanap ng pagkakabuhayang muli.

Dito dumating ang ‘twist’ ng kwento. Taliwas sa pagkakaalam ng bunso, ang perang kanyang pinapadala sa ate ay lahat napupunta sa savings na inilaan ng ate para sa kanya. Pinangunahan na ng ate ang posibleng mangyari sa bunso sa panahong mawawalan ito ng trabaho. Alam ng ate na malabong makaipon ang kanyang kapatid dahil sa lifestyle nito.

May kilala ka bang ganito?

Hindi malinaw sa post kung totoong nangyari nga ang palitan ng text messages sa tunay na buhay o isang kwentong hango sa malikot na kaisipan. Anu’t-anuman, may aral itong taglay at inspirasyon na kapupulatan para sa mga mahal natin sa buhay.

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *