Alex Gonzaga, tinuruan ng netizens sa kahalagahan ng pag-callout sa palyadong serbisyo tulad ng sa gobyerno

pilipinas rocks alex gonzaga tinuruan ng leksyon mag callout

Tinuruan ng leksyon ng mga netizens si Alex Gonzaga nang bigyan ng agarang solution ng PLDT ang kanyang inireklamo kamakailan laban sa nasabing kumpanya.

Ayon sa netizens, nararapat lamang talaga na magreklamo at i-callout ang isang kumpanya na nagbibigay ng serbisyo at binabayaran ng consumers sa tuwing pumapalya ito sa kanyang inaasahang serbisyo.

Kung hindi kasi nagreklamo si Alex gamit ang kanyang social media ay maaaring hindi maasikaso agad ang kanilang Internet connection.

Si Alex ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na all-out support sa pangangampanya para kay Bongbong Marcos Jr. sa nakaraang eleksyon.

Dagdag ng mga netizens, ganito rin dapat ang pagtrato sa gobyerno, na kapag may mga katiwalaian at kapalpakan sa kanilang sinumpaang tungkulin ay nararapat lamang na i-callout upang tumino at ayusin ang kanilang trabaho.

Mangyari kasi sa ngayon na tuwing may lehitimong pagpuna sa gobyerno, kalimitang nakakatanggap ng pangbabara ang mga pumupuna mula sa hanay ng mga tagahanga ni Pangulong Duterte at Marcos loyalists. Sinasabi nila na “tumulong na lang at huwag reklamador”, “puro ka batikos, ikaw na lang kaya maging presidente”, “move-on na kayo, unity na lang”, “wag nating siraan ang gobyerno..”, etc.

Sa pagkakataong ito ay si Alex mismo ang nagreklamo sa PLDT, kaya naman mabilis siyang binalikan ng mga netizens gamit ang parehas na mga linyada ng mga Marcos loyalists at DDS. Narito ang ilan:

“Okay naman po ang PLDT sa amin, maganda po serbisyo. Maayos po. Mabilis nga po sabi ng mga lolo at lola ko. Unity na lang po, wag natin siraan ang PLDT.”

“Puro nalang paninira ang ginagawa mo sa PLDT wala naman sinasabing masama sayo. Pilit mo ibinabagsak ang pldt pero lalo naman umaangat. Magmove on ka na lang.”

Ang mga linyada sa taas ay karaniwang gamit ng mga trolls pangbara sa mga pumupuna sa mga katiwalian sa gobyerno.

Nawa’y ang karanasang ito ni Alex Gonzaga ay magsilbing lesson sa kanya, sa mga DDS at Marcos loyalists, at mga trolls: na ang pag-criticize sa kapalpakan ng isang kumpanya o gobyerno ay nararapat na gawin kung totoong may kapalpakan sa kanilang sinumpaang tungkulin.

0 Shares

Ano masasabi mo dito?