pilipinas-rocks-dapat may utak brains pantaleon alvarez

Alvarez: “Iyong may utak dapat” ang susunod na Presidente

320 Shares

Iyong “may utak” daw na leader ang kailangan, sabi ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez patungkol sa susunod na presidente ng Pilipinas.

Narito ang pahayag ni Alvarez mula sa isang programa sa radio sa Cebu na CPDA Aksyon Agad! :

“Una, kining kinahanglan mupili ta Presidente nga kahibalo muhandle imong covid. Kanang Presidente nga utok, utok, di lang paisog-isog,” ayon kay Alvarez habang itinuturo ang kanyang ulo sa pagsasalita.

“Let’s choose a President who can handle this COVID situation. One who has brains and not just one who shows courage. We need someone who has brains.” 

Ang context ng pahayag ni Alvarez ay may kinalaman sa paglaban ng gobyerno sa COVID-19 crisis.

“Let’s admit it. The handling of the COVID pandemic in the entire Philippines is a failure,” ayon kay Alvarez sa paheras ring programa sa radyo.

“Matapang” ang pagpapakilala ni Pangulong Duterte sa publiko, ngunit sablay sa maraming bagay lalu na sa paglaban sa corruption at bigtime druglords. Ang “katapangan” ng Pangulo ay kwestionable rin dahil tiklop tuhod ito laban sa China.

Sa pahayag na ito ni Alvarez ay para na rin niyang sinabi na ang kasalukuyang namumuno sa Malacañang ay walang utak.

Ngunit matapos itong maging national news ay biglang kumabyo itong si Alvarez. Hindi raw para sa Presidente Duterte ang pahayag niyang iyon.

“Hindi (ko yun ini-insinuate). Matalino nga si Pangulo eh. At saka hindi naman nagtatapang-tapangan, alam natin matapang talaga (I wasn’t insinuating that). The President is actually smart. And he doesn’t feign courage. We all know he is really courageous),” pag-kambyo ni Alvarez.

Iyon daw ay para sa mga voters na maging matalino sa susunod na halalan.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...