pilipinas-rocks-duterte stop sending garbage

ASEAN 2019: “Itigil nyo na pagpadala ng mga basura!” pahayag ng Pangulo sa mga developed countries

247 Shares

Malumanay ngunit matapang na sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga leaders ng mga developed countries sa panahon ng Asean Summit 2019 sa Thailand na itigil na ang pagdadala ng mga basura sa ibang bansa tulad ng Pilipinas.

Particular na tinukoy ni Pangulong Duterte ang mga Western countries na mga bansang nagpapadala ng mga basura sa Pilipinas at iba pang Asian countries. Hindi nag-aksaya ng panahon ang Pangulo upang i-ere ang kanyang sentimyento patungkol sa pagtatapon ng basura sa ibang bansa.

“I think, Mr. Chair, this is as good as any other time and any place to tell the other countries, the Western countries, to be more circumspect,” pahayag ng Pangulo sa harap ng mga Asean leaders.

Isa ang Canada sa nagpadala ng humigit 2,000 tonelada na mga hazardous wastes sa Pilipinas noong mga nakaraang taon dahilan upang magalit si Pangulong Duterte.

Inutos niyang ibalik ang mga basura sa kung saang bansa man ito nanggaling. Animnapu’t siyam na na shipping containers na laman ay mga basura ang naibalik noong buwan ng Mayo.

“When I was told that this garbage has been sent to us by some counties, I ordered immediately that they’d be shipped out on the first ship going to the North American continent. And I told them that if they do not accept their garbage, then you just drop the container near their ports,” dagdag ng Pangulong Duterte.

Recycables

Ang mga basurang ay nilalagyan ng label na “recyclables” at idinadala sa ibang bansa at inaasahang magagamit pa ito sa ibang paraan o bagay.

Ayon sa Pangulo, ang Pilipinas, Indonesia, at Malaysia ang ilan sa mga bansang nagiging tapunan ng mga basura na posibleng may hazardous contents.

Kung pagpapa-improve sa ecology umano ang pag-uusapan ay dapat lamang na maging matalino ang bawat bansa sa kung anong mga bagay-bagay ang itatapon.

“If we are talking about improving the ecology of the place, the environment, then we must take into account what we dump,” dagdag ng Pangulo.

Minungkahi rin ng Pangulong Duterte na magkaroon ng regular na pagpupulong para alamin ang mga opinion at recommendations mula sa mga eksperto, at himukin ang mga developed countries na huwag ng magpadala ng mga basura sa ibang mga bansa.

Ano ang masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page