pilipinas-rocks-pabuya ng gobyerno gold medalist

P600,000 matatangap ng bawat Pinoy gold medalist sa 30th SEA Games mula sa gobyerno

17.2K Shares

Bilang pasasalamat at pabuya ng gobyerno para sa mga atletang Filipino sa 30th SEA Ganes ay magbibigay ito ng P300,000 kada atletang Pinoy na mananalo ng ginto.

Tatapatan naman ito ng Philippine Olympic Committee (POC) ng dagdag na P300,000 pesos. Sa kabuuan ay at least P600,000 pesos ang matatanggap ng bawat atletang Pinoy na makakakuha ng gintong medalya.

“We, at the POC, will try our best to give the same cash incentive that the government will provide to our athletes based on the law,” ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino.

Read: Pilipinas, kinilala bilang best SEA Games organizer!

Natuwa naman dito ang maraming atleta, coaches, at mga pangunahing sports officials na kabahagi sa pinakamalaking SEA Games event sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa pangunguna ni Tolentino ay inaprubahan na ng POC Executive Board and dagdag na cash bonus na kahalintulad ng sa gobyerno. Ang nasabing incentive ay hango sa Republic Act 10699 o National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act.

Matatanggap ng mga Pinoy gold medalists ang kani-kanilang cash bonuses sa December 17 sa panahon ng Christmas party ng POC.

Mabuhay ang ating mga atleta!

Click to grab yours now!