pilipinas-rocks-nasimot laman ng bank account email

Babala: Nasimot lahat sa bank account dahil sa pag-respond sa isang email

24 Shares

Nanlalambot at panay mura na lang ang nagawa ng isang netizen ng malaman niyang malaking halaga ang nawala at nai-transfer mula sa kanyang bank account.

Ito ay matapos niyang sagutin ang isang email na inaakala niyang galing mismo sa banko kung saan siya mayroong savings account.

Ano ang modus ng scammer?

Ang modus umano ng scammer ay mag-send ng email sa mga biktima na sinasabing made-deactivate ang kanyang account kung hindi magre-response sa nasabing email.

Ang pag-response ay maaari daw gawin sundan lamang ang link na ibinigay sa email. Ginawa ito ni Marco Ezer Delas Alas, ang nabiktima ng scammer at nagbahagi ng kanyang experience.

screenshot scammer email

Ilang oras lamang matapos niyang maibigay ang ilang information ay muli siyang nakatanggap ng isa pang email na sinasabing “successful” ang kanyang transaction sa pagta-transfer ng malaking amount mula sa kanyang savings account patungo sa isa pang account na hindi niya kilala.

Laking gulat ni Marco ng mabasa niya ang nasabing email.

“T-ng*naaaaaaa. Pag may nagsend sa inyo ng ganitong email bogus to. Nasimot laman ng bank account ko. T-ng*na nanlalambot ako. P-tang*na talaga. Ingat nalang guys,” saad niya sa kaniyang post.

Ganunpaman, mukhang hindi rin ligtas ang scammer dahil nakasulat rin sa transaction email ang pangalan ng receiver. At ayon kay Marco ay isang nagngangalang JANET M. ESPADA ang nakatanggap ng malaking halaga mula sa kanyang account.

“T-ng*na mo kung Sino ka man JANET M. ESPADA,” saad niya sa hiwalay na post.

Hindi lang BDO

Kung susundan ang mga comments sa post ni Marco ay marami ang nagbahagi rin ng kanilang karanasang makatanggap ng parehas din email. Isang netizen ang nag-share ng halos parehas na email ngunit ibang pangalan at logo naman ng bangko ang gamit.

Mabuti na lamang at marami rin sa kanila ang nag-ingat at hindi nagpadala sa warning na made-deactivate umano ang savings account sakaling hindi mag-respond.

Paalala ng mga banko na huwag daw papadala sa ganitong klase ng mga modus.

Hindi daw pinapayagan ng mga banko na mag-update ang mga members through email lamang. Nire-require ng mga banko na personal na tumungo sa bangko ang isang member sakaling nais nitong baguhin ang information sa kanyang account.

I-SHARE ang karanasang ito upang magsilbing warning lalu na sa mga kamag-anak na posibleng mabilis mapaniwala ng mga scammers tulad ng matatanda

loading...