pilipinas-rocks-feauted image

Bata, hindi napagbigyan sa totoong swimming pool kaya sa putikan na lamang nag-enjoy

0 Shares

Balewala sa isang batang estudyante kung maraming nanonood sa kanya habang siya ay lumulublob sa isang putikan at tubig ulan. Hindi alintana sa isang mag-aaral kung siya man ay pinagtatawanan o pinag-uusapan habang ini-enjoy niya ang pag-swimming sa tubig ulan.

Nage-enjoy siyang naliligo at tumatampisaw habang suot ang kanyang school uniform at kumukumpas na tila nasa isang swimming pool.

Ikinagulat ng isang ina na si Rozita Abdul Razak ng sabihin ng isang guro na anak niya ang batang “nagswi-swimming” sa putikan. Kaya ganun na lamang ang kanyang pagmamadaling sawayin sana ang kanyang anak para umuwi at maligo ng maayos.

Nang tanungin ang bata kung bakit niya ito ginawa ay may kaakitbat na lesson ang inosenteng sagot nito. Ayon sa bata ay matagal na daw niyang niyaya ang kanyang ina na maligo sa swimming pool ngunit hindi ito mapagbigyan. Kaya nang magkaroon ng pagbuo ng tubig ulan malapit sa kanyang eskwelahan ay sinamantala ito ng bata.

Bagaman nakakahiya ay hinayaan na lamang ng ina na mag-enjoy ang bata kesa sa maghabulan pa umano sila habang maraming nanonood. Ganito kasi ang ginawa ng bata sa nakakatanda niyang kapatid nang pagsabihan ito tumigil na sa pagtatampisaw at umuwi na lang sa bahay.

Ito isang kaganapan sa buhay ng bata na magiging bahagi na ng kanyang masasayang childhood memories. Ganunpaman, may kaakibat rin itong lesson para sa mga magulang na busy sa paghahanapbuhay: na bigyang puwang ang kaligayahan ng bata dahil hindi sa lahat ng panahon ay makaksama sila ng mga magulang.

Sa Facebook post ni Rozita ay masaya niyang ini-update ang mga taong sumubaybay sa kanyang post patungkol sa kanyang anak sa pamamagitang muli ng isa pang photo. Sa picture ay makikita ang bata na nakangiti at sa likod niya ang swimming pool.

Sa wakas ay nakatikim muli ng totoong swimming pool experience ang bata!

Photos: Rozita Abdul Razak Facebook post

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page