bongbong failed in politics and economics

BBM, bagsak sa Economics at Politics exams sa Oxford

0 Shares

Idinahilan ang “pagkakaroon ng asthma” at “adverse psycological effects dahil sa pagbisita sa mga nalindol na lugar” upang mailayo si Bong Bong Marcos Jr., na ngayon ay tumatakbo sa pagka-Pangulo, sa pagkakaroon ng bagsak na grado at hindi magandang “dropout” record mula sa Oxford University, isang prestigious na paaralan sa United Kingdom.

Ginawa ito ng mga Filipino officials na nasa England noon dahil hirap na hirap si Bong Bong Marcos na maipasa ang mga kaukulang requirements. Ang mga informasyong ito ay nalakap ng mga researchers sa University of the Philippines at nai-published ng Vera Files.

Bachelor’s degree ni BBM sa Oxford? Hindi totoo

Ang pag-aral ni Bong Bong Marcos sa Oxford University ay malaking issue sa kanyang pagtakbo sa pagka-Pangulo dahil napatunayan ng mga officials records, isa na ay mula mismo sa Oxford University, na hindi totoo ang claim ni Bong Bong Marcos na nagtapos siya ng bachelor’s degree sa Oxford University. Ang claim na ito ni Bong Bong Marcos ay matagal ng nakapost sa kanyang educational background sa records ng Philippine Senate. Binago niya ito noong 2015 ng busisiin ng media ang mga official records.

Hirap na hirap si BBM makapasa

Bagsak si Bong Bong Marcos sa politics exam habang siya ay nasa unang taon sa Oxford, dahilan upang hindi siya qualified na mabigyan ng bachelor’s degree.

Ayon sa research ng Third World Studies Center ng UP College of Social Sciences and Philosophy, naiwasan ni Bong Bong Marcos na magkaroon ng dropout na record sa Oxford dahil inilakad ito ng buong pwersa ng mga officials ng Pilipinas na nasa England noon.

Si Bong Bong ay na-admit sa Oxford noong 1975. Nais niyang kunin ang Philosophy, Politics, at Economics (PPE), engineering, o economics. Matatandan na may statement si Sandro Marcos, anak ni Bong Bong, sa Kingmaker documentary na nais daw ng kanyang ama na kunin ang Physics, Math, Biology ngunit ayaw ng kanyang lolo (ang diktador na si Marcos Sr) dahil ang pera umano ay nasa pulitika.

Ngunit ayon kay Jaime Zobel de Ayala, ang ambassador ng Pilipinas sa UK sa panahong iyon, ay hindi pa raw handa si Bong Bong sa ganoong mga kurso. Narito ang cable message ng nasabing ambassador kay late dictator Marcos Sr.

“They do not think that he is ready to embark in such a strong course without getting further instruction in pure and applied mathematics before entering Oxford.”

Ganunpaman, kinuha ni Bong Bong ang PPE. Matapos ang isang taon at kalahati noong 1976 ay bagsak si Bong Bong sa preliminary exam sa economics at politics; philosophy lang ang naipasa niya.

Screenshot from official records obtained by Vera Files.

Personal tutors at previous year test papers

Dahil dito ay binigyan ng personal tutors si Bong Bong na ang mga magtuturo ay pawang Filipino professors. At ayon rin sa mensaheng binigay ni Ambassador Pablo Araque, charge d’affaires sa London noon, sa tatay ni Bong Bong, nabigyan raw si Bong Bong ng test papers nang nakaraang taon para magkaroon ito ng idea kung paano ang susunod na exam:

“Dr. Kelly advised me to secure previous years’ test papers to give tutors an idea of what is required of Bong in the exams. These I have secured and I am sending them by first available means.”

Ang Kelly binabanggit ni Araque ay walang iba kundi si Dr. John Norman Davidson Kelly, ang principal ng Oxford’s St. Edmund Hall nang panahong iyon.

Bagsak uli sa pangalawang pagkakataon

Ganunpaman, bagsak uli si Bong Bong sa politics at ang naipasa lamang ay ang economics. Dito pa lamang ay nararapat na siyang ma-drop-out sa Oxford.

Nakiusap sa Oxford para sa special diploma

Si Captain Artemio Tadiar, Armed Forces attache’ to London noon, ang personal na nakiusap na mabigyan si Bong Bong ng isa pang pagkakataon para mag-aral sa Oxford ngunit sa ilalim ng isang “special diploma”.

Makikita sa itaas na ang pagbibigay ng special opportunity kay Bong Bong matapos itong bumagsak sa requirements sa pangalawang pagkakataon ay kinukunsidera na “hindi ayon sa normal na patakaran ng Oxford”.

Narito ang mga idinahilan upang mailayo si Bong Bong sa record na “dropout” at mabigyan ng “special diploma”:

  • Bong’s asthma complicated by flu weeks before his first examination and a similar ailment before the second, exacerbated by the long and exhausting trip back to London from Manila and the abrupt change in temperature
  • the adverse psychological effects on him after his visit with you (Marcos) to the devastated areas in Mindanao after the earthquake and tidal wave which killed 8,000 people and rendered many thousands more homeless

Sa huli ay nabigyan si Bong Bong ng special diploma in social studies noong 1978.

Limang exams ang dapat na maipasa ni Bong Bong: political institutions, economic principles, general sociology, economic development, at industrial sociology. Sa limang ito nakakuha si Bong Bong ng “reasonable Class II level”.

Walang degree si BBM mula sa Wharton

Sinubukan rin ni Bong Bong na kumuha ng “graduate school coursework” sa Wharton School of Business, University of Pennsylvania sa ilalim ng Master of Business Administration (MBA) program ngunit hindi rin siya nakakuha ng degree doon.

“Mr. Marcos attended the MBA Program in the Wharton School at the University of Pennsylvania from September 12, 1979-December 20, 1980, and from September 1, 1981-December 20, 1981. He did not earn a degree,” ayon kay Ron Ozio, media relations director ng University of Pennsylvania.

Buong pwersa ng gobyerno

Makikita sa mga pangyayari hango sa recorded documents na ginamit ni dating diktador Marcos Sr. ang official na kapasidad at resources ng gobyerno upang mapag-aral ang kanyang anak na si Bong Bong sa Oxford ngunit hindi kinaya ng kanyang anak.

Maraming special treatment at opportunities para kay Bong Bong ngunit hindi talaga pasado. Ang masama pa nito ay economics at politics ang mga subjects na hindi niya naipasa. Ito ang mga aralin na mahalaga para sa isang nagnanais maging Pangulo.

Source: Vera Files, Rappler.