pilipinas rocks bbm trinaydor si mds

BBM camp, trinaydor si Sen. Miriam Santiago noong 2016 ayon sa youth volunteers ni MDS

0 Shares

Dahil sa ginagamit ng kampo ni BongBong Marcos (BBM), tumatakbo sa pagkapangulo ngayong Halalan 2022, ang pangalan ni dating Senador Miriam Defensor Santiago (MDS) sa social media upang pabanguhin ang imahe ni BBM, ay naalala ng mga MDS youth volunteers ang ginawa sa kanila ng mga Marcoses sa Ilocos noong 2016 elections.

Trinaydor si Senator Miriam

Ayon sa mga youth voluenteers ni Sen. Miraim Santiago, trinaydor sila at si Senator Santiago ng kampo ni BBM noong kasagsagan ng pangangampanya ng 2016 elections.

Maaalalang magka-tandem noong 2016 sa pagtakbo si Senator Santiago bilang pangulo at si BongBong Marcos sa pangalawang pangulo. Ganunpaman, ibang kandidato sa pagka-pangulo ang kinampanya ng kampo ni Bong Bong Marcos ayon na rin sa mga kabataang volunteers ni Senator Santiago.

Nang bisitahin ng mga kabataan ang Ilocos upang tingnan ang update ng pangangampanya para sa tambalang MDS-BBM ay laking gulat nila ng wala silang makita ni isang poster ni MDS na nakahanay sa lawak ng Ilocos Region. Bagaman may dala silang mga posters ni MDS at kanila itong ikinabit upang makita sa publiko ay aminado silang no-match ito sa naglalakihang posters ng mga kalaban ni MDS sa pagka-pangulo na katabi ang mga posters ni BBM.

At sa halip na campaign jingle ni Senator Miriam ang mapapakinggan sa pangangampanya ni BBM ay kay Duterte ang naririnig.

Malinaw sa kanila na si then Davao Mayor Rodrigo Duterte ang ikinakampanya ng mga Marcoses sa Ilocos Region.

“Not here. Okay na kami rito.”

May naka-schedule rin silang courtesy call sa noo’y gobernadora na si Imee Marcos, ngunit halos limang oras silang pinaghintay. Marami sa kanila ay excited makita si Imee Marcos dahil diehard supporters din sila nito, ngunit malaki ang kanilang pagkadismaya ng makaharap si Imee.

“O, bakit kayo andito?” tanong ni Imee sa grupo.

“Nagca-campaign lang kami rito para buhayin ulit ang Miriam-Bongbong,” sagot ng isa sa mga youth leaders.

“Not here. Okay na kami rito. Not here.” sagot sa kanila ni Imee.

Nagpa-picture na lang umano sila at mabilis na umalis dahil na rin sa galit at kahihiyan.

Anak mismo ni BBM si Duterte ang binoto

“I voted for (Davao City Mayor Rodrigo) Duterte as president, and saw the number 4 right after, so (I) shaded that as it was my dad’s number. I ended up shading Poe’s name instead of my dad’s, so my presidential vote didn’t count,” pag-amin ni Sandro bilang first-time voter noong 2016 at ngayon at tatakbong Ilocos Norte representative.

“Yes, I shaded 2 presidents, it was an honest error on my part. I was a first time voter and extremely nervous,” isinulat ni Sandro Marcos sa kanyang Facebook page.

Sa bibig na mismo ni Imee at Duterte

Ilang buwan ang nakalipas at natapos ang election ay mismong sa bibig ni Duterte lumabas na ang eldest child ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ang isa sa mga gumastos ng kanyang kampanya.

Bagaman biro lang daw ito ng Pangulo sabi ni Imee, ngunit sa isang pagkakataaon ay nabanggit ni Imee ang ganito:

“Sinuportahan natin siya (Duterte) at walang kapalit.”

Mula sa Chairman at Founder ng Youth for Miriam

HINDI LANG MAGNANAKAW, TRAIDOR PA?

Bilang isa sa mga lider ng Youth for Miriam Movement. Ito ang isa sa mga personal na dahilan kung bakit si Sen. Miriam lang ang binoto at sinuportahan ko sa tamabalang Miram-Bong Bong.

Sinimulan ko ang YFM noong October 2015 nang wala sa picture si BBM. Bagamat tutol kami sa tambalan ay nirespeto namin ito. Pero kung paulit-ulit na gagamitin ang pangalan ni MDS hanggang 2022 elections, nakakainsulto na ito. Tama na ang pagsisinungaling at pagggamit,” post ni Rhyan Malandog sa kanyang Facebook, chairman ng YFM.

Kabuuang post ng youth volunteers for Sen. Miriam Santiago.

Ano ang masasabi mo dito?

Comments