pilipinas-rocks duterte faeldon best and brightest

“Best & brightest, bravest & strongest”, nalusutan ng mga high profile inmates ng walang ka-effort-effort

82 Shares

Ganun na nga.

Iyong ipinagmamalaki ng mga tagahanga ni Pangulong Duterte na “best and brightest” at “brave and strongest” ay nalusutan ng mga highly profile inmates ng walang gasgas sa katawan.

Ni hindi man lamang sila naghukay sa lupa mula sa kanilang mga selda o gumamit ng mga patagong taktika upang makalabas sa Bilibid. Wala ngang barilan o hostage taking man lang na naganap.

Marahil ay luma na o sa pelikula lamang makikita ang mga istilong ganyan. Marahil ay mas matalino pa sila kesa sa mga nakaupo sa pwesto dahl ginamit nila ang connections sa gobyerno at mga officials na incompetent.

Ngayon, ang mga nakalaya ay ipinababalik at kung hindi ay ituturing silang fugitives ayon na rin sa Pangulo.

“Best and brightest” na incompetent

Iyong tinatawag ni President Duterte na “best and brightest” na kanyang mga ina-appoint sa government positions ay kalimitan nalalagay sa controbersya.

Wala nang nagawa ang Presidente kundi alisin sa pwesto si Nicanor Faeldon bilang chief sa BuCor. Marami kasing high profile inmates ang walang ka-effort-effort na nakalabas ng kulungan.

Pinakamaraming nakalabas na inmates ay sa panahon ng panunungkulan ni President Duterte. Sinisisi ng Malacañang ang Republic Act 10592, ngunit malinaw na ang mga nagpalaya ay mga tauhan mismo ng Pangulo.

Dahil sa kawalan ng common sense at maling pag-interpret sa batas o sa madaling salita ay pagiging incompetent ay maraming mga drug lords at criminals na convicted sa heinous crimes ang nakalaya.

Ang convicted rapist na si Mayor Antonio Sanchez na inindorso ni Imelda Marcos ang pagpapalaya ay muntikan na ring makalabas ng kulungan, mabuti na lamang at naibulgar ng media ang mga pangyayari.

Si Faeldon ay nalagay na rin sa kontrobersya ng makalusot ang P6.4-billion na shabu shipment sa Customs ng panahon ng kanyang panunungkulan doon.

Hindi siya isinama ng DOJ sa mga kinasuhan patungkol sa shabu scandal kundi nailipat lamang sa BuCor.

“Best and brightest nga”!

Corruption sa BuCor sa pagpapalaya ng mga inmates

Ayon sa “A1 intelligence report” ni Senate President Tito Sotto ay may malaking corruption umano sa loob ng BuCor na related sa pagpapalaya ng mga nabanggit na mga kriminal.

“Milyones daw (ang bayaran), ‘yun ang kwento. We have [an] intelligence report already, I already shared it with Senator (Panfilo) Lacson.  We have a hearing tomorrow [Thursday], we will see,” ayon kay Sotto.

Sinusugan pa niya ito na malamang umano na ang pagpatay kay Ruperto Traya, Chief Administrative Officer 3 ng BuCor, ay konektado sa pagpapalaya ng mga convicts.

“According to intel reports that we gathered from the inside, it is related to the releases,” dagdag ni Sotto.

“Brave and strongest”

Tila walang kinatatakutan ang mga taong involved sa pagpapalaya ng mga high profiled inmates sa Bilibid. Kung totoo man ang A1 intel report kay Senator Sotto ay malaking sampal ito kay Pangulong Duterte.

Ang mga Chinese drug lords ay napalaya na, isa dito ay mismong sa penal colony pa ng Davao.

Lahat ng mga kapalpakang ito ay nangyayari under the President’s nose. Hindi maliit na pangyayari, kundi involved ang malalaking pangalan, milyones na pera, at mismong mga naappoint niya sa gobyerno.

Bukod dito ay taliwas ang mga nagaganap sa “drug war” at “war on corruption” na flagship program ng Pangulo.

Kinatatakutan nga ba siya ng mismong mga taong nasa ilalim niya?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page