pilipinas-rocks-dmorales resignation duterte health

Kung “best for Morales and Philhealth” ang resignation dahil sa kalusugan, hindi kaya best rin for P. Duterte and the country ang pag-resign ng Pangulo?

74 Shares

Kung si Philhealth CEO Ricardo Morales ay pinag-resign ng Malacañang dahil sa issue ng kalusugan, hindi ba dapat ganun na rin gawin ni President Duterte alang-alang na rin sa kanyang kalusugan at kapakanan ng bayan?

Ilang beses na nating naririnig mula mismo sa Pangulo na may sakit siya, marami siyang iniinda, at lately ay going to stage 1 cancer na daw ang kanyang Barrett’s esophagus ailment kung hindi siya mag-iingat, na kung saan naman ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “matagal na raw na comment yun ng doctor” patungkol sa kalusugan ni President Duterte.

Ganunpaman, patuloy na napapansin ng taumbayan ang deteriorating na kalagayan ng Pangulo. Hindi ba dapat ay magpahinga na lamang siya at asikasuhin ang kanyang sarili lalu na’t sa panahon ng COVID-19 crisis na hinaharap ng Pilipinas?

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, ang Pangulong Duterte mismo ang nag-advice kay Morales na mag-resign na mula sa Philhealth dahil raw sa unstable na kalagayan ng kalusugan nito.

“The President took note last night of Morales’ on-and-off health situation, and stated that it would be best for the latter and for PhilHealth to give up his post during these critical times for the agency, ” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Kung “it is best for Morales and Philhealth” na mag-resign sa pwesto, hindi kaya it is best rin for President Duterte at sa bayang Pilipinas na mag-resign na ang Pangulo?

Ilang buwan na tayong lumalaban sa COVID-19 at tila matatagalan pa. Ang Thailand, Malaysia, at Singapore ay ilan lamang sa mga bansang unti-unti nang umaahon laban sa COVID-19.

Ang naririnig nating solution mula sa Pangulo ay maghintay ng vaccine sa December. Hindi ito sapat. Kung nagawa ng mga karatig nating bansa na lumaban proactively sa COVID-19 ay magagawa rin natin.

Ang kaso ay mismong ang Pangulo natin ay kailangang asikasuhin.

loading...