pilipinas-rocks-relieved and reassigned bi pastillas

BI officials na sangkot sa ‘pastillas’ scheme sinibak pero nare-assign din

1.5K Shares

Ang mga Bureau of Immigration (BI) officers na nasangkot sa ‘pastillas’ scandal ay nasibak pero nare-assign rin sa Administrative Division ng BI, ito ang mababasa sa isang document mula sa Bureau of Immigration mismo.

Ayon sa Personnel Order No. JHM-2020-196, ang mga nakalistang pangalan ng BI officials na hinihinalaang sangkot sa ‘pastillas’ scheme ay na-relieved pero pinare-report sa Chief of Administrative Division para sa panibagong assignment of duties.

Ang “pastillas” scheme ay ibinunyag ni Mr. Allison Chiong, isang officer mismo sa BI, at detalyadong inilahad niya ito sa hearing ng Senado na pinangunahan ni Senator Risa Hontiveros.

Narito ang mga pangalang ibinunyag ni Mr. Chiong during the Senate hearing na involved umano sa “pastillas” scheme:

Traffic Control Enforcement Unit officers Bien Guevarra, Glenn Comia, at Den Binsol. Kabilang rin ang ilang key officials ng BI na sina Totoy Magbuhos, Deon Albao alias Nancy, Paul Borja alias Lisa, Anthony Lopez alias AL, at Dennis Robles alias DR.

Karamihan sa mga pangalang ito ay makikita rin sa dokumentong nagsasaad na nailipat lamang sila sa ibang pwesto sa BI.

Sa nasabing scheme ay nabibigyan ng VIP treatment ang mga Chinese nationals sa pagpasok sa Pilipinas kapalit ng malaking halaga ng pera. Ayon kay Senator Hontiveros, pinaghahati-hatian ang pera ng mga officials sa BI ngunit maliit lamang ang napupunta sa mga lower-level na BI officers.

Malaki ang possibility umano na may mga matataas pang opisyales sa BI na mas nakikinabang sa nasabing illegal na gawain.

“Grave corruption, no sacred cows”

Nauna nang naibalita sa mga pahayagan na ayon kay Presidential Spokesperson Sal Panelo ay sinibak umano ni President Duterte ang mga nasabing BI officials na sangkot nga sa “pastillas” scheme.

Isang “grave form of corruption” ang pagkaka-describe ni Panelo sa nasabing scheme at hindi raw ito hahayaan ng gobyerno na magpatuloy.

“The President considers this anomaly as a grave form of corruption which cannot be countenanced by the government. As we have repeatedly stressed, there are no sacred cows in this administration,” dagdag ni Panelo.

Relieved pero re-assigned

Sa nasabing dokumento ay nakalagay na na-relieved nga ang mga BI officials ngunit nare-aligned naman ito sa ibang pwesto.

“The above-mentioned personnel are hereby relieved of the present duties and responsibilities at the Port Operations Division and reassigned to Administrative Division effective 24 February 2020,” nakasaad sa dokumento.

Ang inaakala ng marami ay tuluyan ng inalis sa BI ang mga officials dahil nga “grave form of corruption” ang pagkaka-describe ng Malacanang, ngunit hindi pala, nare-assign lamang sila.

Ang dokumento ay may lagda ni Jaime Morente bilang Commissioner.

Ano masasabi mo dito?

Comments