sms text mark taguba paolo duterte shabu boc

BOC-shabu scandal: Halatang gustong may iiwas si Sen. Gordon sa kanyang pagtatanong!

Halata masyado si Senador Dick Gordon na may gustong iwasan o iiwas sa kanyang pagtatanong at pagha-handle ng hearing sa Senado patungkol sa P6.4 bilyong shabu scandal na kinasasangkutan ngayon ng Bureau of Customs (BOC).

Halos naging one-man show na naman ang pagdinig at ang mga tanong sa mga resource persons ay paikot-ikot. Ika nga ay showboating, nauubos ang oras. Pilit na iniiwasang mabanggit ang pangalan ni Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte o mga taong malalapit dito. Kalimitan ay nafo-focus ang pagtatanong sa pagkatao ng witness o resource speaker sa halip na ungkatin ang bulok na sistema sa BOC.

Marahil ay gustong proteksyonan ni Senador Gordon ang Senado laban sa paggamit ng “drop-naming” style na maaaring ikasira ng mga taong mapapangalanan. Ngunit ang pagbanggit ng mga pangalan ng mga kilalang tao ay hindi maiiwasan kung totoo ngang katotohanan ang hinahanap. Nanumpa ang mga testigo o resource speakers at ang pagbanggit ng mga pangalan ay responsibilidad na nila.

Hindi ba’t ganyan ang inaasahan natin sa isang imbestigasyon? Bakit tayo natatakot na maibigay ang mga pangalan kung talagang involve nga sila? Bakit ang mga katanungan ay tila papalayo sa mga taong posibleng sangkot sa kaso?

Bagaman maikli ang panahon ng pagtatanong, mabuti na lamang at nariyan si Senator Antonio Trillanes IV at diretsahang nakita ang connection ng Davao Group sa BOC.

Sa isang punto ng tanong ni Trillanes ay nailabas bigla ng witness na si Mark Taguba ang palitan ng text messages nya kay Tita Nani (Davao). Makikita sa usapan na ang handler ng Davao Group ay walang iba kundi sa Paolo Duterte.

mark taguba pulong paolo boc

Matagal nang nasangkot ang pangalan ng anak ni Pangulong Duterte sa importation ng droga sa bansa. Matatandaang nabanggit rin ni Arturo Lascañas ang nasabing Vice Mayor ng Davao City sa halos parehas din na kaso.

May kinalaman nga ba ang anak ng Pangulo na si Paolo Duterte sa shabu scandal ng BOC? Sa ngayon ay hindi pa conclusive dahil marami pang katanungan. Ito ang dahilan kung bakit nararapat pa ang ilang pagsusug sa issue. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi akma na i-conclude agad-agad ng ilang mga senador na “wala umanong kinalaman si Paolo Duterte” sa shabu scandal.

You may also like...

Loading...

1 Response

  1. Zenaida Navalta-Wright says:

    Does Gordon have something to do with Paolo Duterte’s smuggling of high end cars? According to Lascanas, Paulo Duterte is also known to smuggled luxury cars with his partner and Lascanas disclosed the place where they even displayed their cars for sale. It was also mentioned that Paulo Duterte worked or smuggled some UKay UKay business for his wife which is also against the law. Now, they probably don’t want that to be asked. Something will come out of it, the minute Paulo shows up. His past activities will be questioned, that is the reason why he don’t want to show up. Or should I say, Sotto Paloma and Gordy don’t want to invite him. Really strange. According to Paulo he is not going to dignify chismiss, isn’t it ironic that Gordy said the same word in the hearing. He is communicating with this younger Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *