pilipinas-rocks-ovp budget nais triplehin

Budget ng OVP nais triplehin ng mga mambabatas

1.3K Shares

Nais doblehin o triplehin ng mga mambabatas sa House of Representatives ang budget ng Office of the Vice President.

Ayon sa finance committee ng Kongreso ay naniniwala silang masyadong maliit ang budget ng OVP kung ikukumpara ito sa mga nagawa na at ginagawa ng Vice President.

Lahat sila ay tiwala sa transparency at kapasidad na pinapakita ng OVP mula ng ito ay umupo sa pwesto bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga mambabatas ang sakripisyo at serbisyong mula sa puso na ginagawa ni Vice President Leni Robredo, dahil dito ay nais pa nilang dagdagan ang budget ng OVP bilang suporta sa mga adhikain ni VP Leni.

Isa sa mga ikinatuwa ng mga mambabatas ay ang pag-priority ni VP Leni sa mga gawang Pilipino sa halip na mag-import ng mga PPEs mula sa ibang bansa.

Nilinaw din ang plano ng OVP patungkol sa pagkakaroon ng online portal para sa mga nais maghanap ng trabaho. Nais ng mga mambabatas na i-link ito sa Philippine Employment Service Office (PESO) upang mas matulungan pa ang mga ordinaryong Pilipino na naghahanap ng trabaho.

Tulad ng mga nakaraang pagdinig, hindi rin nagtagal ang pagtalakay sa budget ng OVP dahil sa tiwala ng mga mambabatas kay VP Leni.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...