pilipinas-rocks-cebu world arnis capital

Cebu is now the Arnis Capital of the World!

22 Shares

Hindi pahuhuli ang pinoy sa larangan ng martial arts.

Sa tulong ng Department of Tourism (DOT) – Region 7 at ng Doce Pares martial arts school ay itinanghal ang Cebu City bilang World Arnis Capital. Ito ay paghahanda na rin sa darating na world arnis competition na gaganapin sa Cebu City mismo sa susunod na taon.

Ibig sabihin nito ay mas makikilala na ang Cebu hindi lamang sa taglay na ganda at unlad ng isla sa Central Visayas kundi bilang lugar kung saan makikita at matututunan ang tunay na paggamit ng arnis sa iba’t-ibang creative na pamamaraan bilang sports o self-defense.

“This is a happy moment for us. When we started this partnership with Doce Pares, the idea really is to institutionalize Cebu as the arnis capital of the world,” ayon kay DOT7 Director Tamano.

“We are moving towards another direction. Instead of me going abroad to conduct seminars, we are now asking them to come to Cebu if they want to learn the art of eskrima/arnis. In this manner, we can also promote the Philippines especially Cebu to other countries,” ayon naman kay Supreme Grand Master (SGM) Dionisio “Diony” Canete.

Covers all martial arts styles

Kasabay ng pagkilala sa Cebu City bilang World Arnis Capital ay ang pagganap ng recognition ceremony para sa labing-siyam na mga Australians na pinamunuan ni Master Mark Toussaint na gumugol ng 10 araw sa Cebu City upang pag-aralan ang arnis.

Si Master Toussaint ay ang director ng World Eskrima Kali Arnis Federation (WEKAF) at head ng Doce Pares sa Australia. Hinangaan niya ang mga pinoy sa paggamit ng arnis at sinabing ito ang “most comprehensive and the most complete form of martial art.”

“It practically covers all styles and all classes of martial arts,” ayon kay Mark Toussaint.

WEKAF Championships 2020

Masaya rin na ibinalita ni SGM Canete ng Doce Pares ang nalalapit na 16th WEKAF Championships na gaganapin sa Cebu City sa 2020.

Lampas 1,000 arnis fighters mula sa limampung mga bansa ang makikilahok sa nasabing paligsahan.

Ang arnis ay isa sa mga fighting skills ni Josie Rizal, Filipina fighter sa TEKKEN 7 online game.

Masaya ka rin ba sa pagtatanghal sa Cebu City bilang Arnis Capital of the World?

loading...