pilipinas-rocks-cebu ocean park

Cebu Ocean Park, napuntahan mo na?

26 Shares

“Mas malaki at mas malalim!” Ganito kung i-describe ng marami ang bagong oceanarium sa Cebu City.

Ang Cebu Ocean Park ay kauna-unahang marine theme park sa parte ng Visayas. Mas malaki at malalim ang aquarium nito kumpara sa Manila Ocean Park.

Umaabot ng 1.5 hektarya sa loob ng South Road Properties sa Cebu City ang sakop na lugar ng bagong oceanarium. Binuksan ito sa publiko (bilang soft opening) noong Agosto 24, 2019. Ang soft-opening ay nangangahulugang may mga ilang shows ang hindi pa open sa publiko.

World-class at educational ang mga exhibits na makikita sa loob katulad ng Jungle Trek, Creepy Critters, Seven Seas, at iba pa.

Mayroon ding 360-degree viewing tunnel na may mermaid show sa Deep Tank Lagoon.

Sa Crocodile Cage naman ay makikita ang 14-footer salt water crocodile na kung saan bawal pumasok ang mga bata na 9 years old pababa. Nangangailan naman ng parental o guardian consent ang mga 17 years old pababa kung nais ma-encounter ang nasabing prehistoric animal.

Mapapanood rin ang kakaibang mga tricks ng mga hayop sa pamamagitan ng iba’t-ibang animal shows para sa buong pamilya.

Ang Sea Trek ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga visitors na makita at ma-experience up-close ang iba’t ibang isda at hayop sa dagat gamit ang helmet diving. Hindi na nangangailan pa ng diving skills para dito.

Doble kayod ang lungsod ng Cebu upang makilala sa buong mundo bilang isa sa mga dapat puntahan ng mga turista. Kamakailan ay hinirang ito bilang World Arnis Capital.

SHARE this article kung natutuwa ka na makita ang Cebu City na umuunlad at sumasabay sa pagpapakitang gilas sa buong mundo!

Source: Cebu Ocean Park

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page