pilipinas-rocks-maynilad manila water duterte

Dahil natakot sa galit ni PDu30, Maynilad at Manila Water inurong ang hinihinging bilyones sa gobyerno

108 Shares

Dahil sa galit ni Pangulong Duterte laban sa mga oligarchs ng Maynilad at Manila Water ay daig pa sa ala-una ang pag-urong ng mga nasabing kumpanya para habulin ang gobyerno ng pagbabayad ng higit P10 bilyong piso.

Ayon kay Manila Water CEO Rene Almendras iniurong nila ang hinihinging P7.4-B compensation claim sa gobyerno dahil ayaw nilang magalit ang Pangulo.

“It’s unfortunate the President got angry. We don’t want to anger the President”, ayon kay Almendras sa harap ng Senate inquiry.

Sa panig naman ng Maynilad ay ipinahayag ni Ramoncito Fernandex na hindi na rin daw nila hahabulin ang gobyerno na magbayad ng P3.4 bilyon na nakasaad sa arbitration ruling ng Permanent Court sa Singapore.

Natuwa naman dito si Justice Secretary Menardo Guevarra at sinabing “a very positive development” ang ginawa ng dalawang kumpanya.

“Although the President has said that the government will not pay these arbitral awards, at least during his term anyway, this gracious manifestation on the part of the water concessionaires nonetheless removes a potential liability from the books of account of the government,” ayon kay Sec. Guevarra.

Dagdag pa rito ay hindi na rin daw magi-implement ng water hike ang Manila Water sa January 2020. Sa panig naman ng Maynilad ay “open” daw sila na pansamantalang ipatigil ang pag-implement ng bagong rates.

SHARE kung natutuwa ka sa balitang ito!

loading...