Dahil sa bangkarote na, Marcos Sr. unang nagtakdang magbenta ng gov’t assets, PHL official document shows

pilipinas rocks bankrupt marcos sr nagbenta ng govt assets

Makikita sa isang official document ng gobyerno ng Pilipinas na bumuo si dating diktador Marcos Sr. ng isang ahensiya na naglalayong magbenta ng mga government assets at institutions. Ito ay sa dahilang bangkarote na ang bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan.

February 4, 1986 nang mabigay siya ng Presidential Decree No. 2030 upang buuin ang Asset Disposition Trust “for providing the orderly disposition of certain assets of government institutions”.

Narito ang ilang bahagi ng nasabing Presidential Decree:

Section 2. Responsibilities and Objectives. It shall be the responsibility of the Trust to administer the orderly disposition of assets transferred to and held by it pursuant to this Decree on terms and conditions deemed by it to be in the best interest of the National Government and in furtherance of the following objective:

To realize on assets held by the Trust as quickly as possible and, consistently therewith, to optimize the realizable values of such assets by (a) returning as many assets as possible to private sector ownership, structured so as to hold out realistic prospects of productivity and profitability; (b) rationalizing capacity, productivity, employment and like matters in the various sectors of the economy represented by such assets; and (c) liquidating those assets which show no prospect of becoming viable.

Kailangang makalikom ng napakaling halaga ang gobyernong Marcos noon upang maipakita sa mga foreign banks na may kakayanang magbayad ang bansa sa mga pinagkakautangan nito. Binigyan ito ng 90-day moratorium o palugit. Isa sa mabilis na paraan na naisip ni Marcos Sr. ay ang ibenta ang ilang mga assets at institutions ng gobyerno.

Si Marcos Sr. ang unang nagtakda ng pagbebenta ng mga assets o ari-arian ng gobyernong Pilipinas upang makabayad sa mga pinagkakautangan nito.

Taong 1983 pa lamang kasi ay ramdam na ramdam na ng buong mundo na bangkarote na ang Pilipinas. Ayon sa column ni Boo Chanco sa Philippine Star, dumating sa punto na hindi na tinatanggap ng mga airlines ang Philippine peso bilang pambayad sa mga air fares noong panahong iyon. Ayaw naring tanggapin ang mga credit cards mula sa Pilipinas.

“The Central Bank also created a fund to guarantee payment of airline tickets at guaranteed rates. The airlines refused to accept the unstable peso for payment.”

Wala na ring sapat na salapi sa Central Bank pambayad sa mga basic needs na ini-import mula sa ibang bansa, tulad ng mga essential na gamot. Dahil dito sa black market na lamang mabibili ang imported needs na ito dahil ang forex ay nakalaan na lamang sa pagbili ng crude oil at petroleum products.

Matinding corruption at cronyism ang dahilan sa paglugmok ng bansang Pilipinas sa panahon ni Marcos Sr. Ang cronyism ay ang pagpapabor ng gobyerno sa iilang mga kaibigan o kamag-anak na humawak ng malalaking kumpanya o assets ng bansa na binabalewala ang pagkunsidera sa kakayanang patakbuhin ang kumpanya o nasabing ahensiya, kapalit ng malaking kickback sa leader na naglagay sa kanya sa pwesto.

The country was broke. It was caused by a combination of factors constituting a perfect storm. The Marcos cronies couldn’t pay PNB, DBP, GSIS, giving rise to a crisis among the three GFIs. Also adversely affected were crony banks: Traders Royal and UCPB.

Sa loob lamang ng dalawang taon, 1983 hanggang 1985, bumulusok ang devaluation ng Philippine peso. Mula P8:$1 ay naging P14:1$ hanggang sa naging P20:1$. Ganito kalala ang sitwasyon ng bansa taong 1983 pa lamang.

Ang Pilipinas ang natatanging bansa sa buong mundo na mayroong automatic debt appropriation law upang makabayad sa pagkakautang nito dahil mayroong naging gahaman sa kapangyarihan at salapi.

Matuto na sana tayo.

0 Shares

Ano masasabi mo dito?