Nag-away na Darryl Yap at Mary Grace Julsen sa Internet ay iisang tao lamang?

pilipinas rocks darryl yap mary grace kinalaban sarili

Nahuli ng netizens ang tila gawa-gawang drama ng isang Darryl Yap sa Internet.

Mainit at matapang ang post ni Darryl Yap sa kanyang Facebook account laban sa isang Mary Grace Julsen.

Pinuna kasi ni Mary Grace ang paggamit daw ng water bottle ni Darryl Yap sa pagtulong nito sa mga nasalanta. Ayon kay Mary Grace, ang paggamit ng plastic bottle ay nakakasisira sa kalikasan.

“tsk tsk tsk. Problematic talaga. Tutulong nlng, sisira pa sa kalikasan. Kung magpapainom ka ng tubig sa mga nasalanta, bat gagamit ka pa ng plastic bottle? wala ka bang ibang naisip????”, ayon sa comment ni Mary Grace kay Darryl Yap.

Pinaulanan ni Darryl Yap ng maaanghang na salita bilang sagot sa comment ni Mary Grace. Naka-itemized pa ang post ni Darryl upang makita na malinaw at may sense ang mga sagot niya.

Nais ipahiwatig sa post ni Darryl Yap na magaling siya, matalino, maraming alam, at sobrang tapang laban kay Mary Grace. Ang problema, mukhang si Darryl Yap at Mary Grace ay iisang tao lamang?

Narito ang mga screenshots ng netizens bilang resibo ng nasabing drama.

0 Shares

Ano masasabi mo dito?