pilipinas-rocks-magandang nangyari sa opening ceremony2b

DDS: Bakit di ibinalita ang “magandang nangyari sa opening ceremony ng SEA Games”? Netizens: Sa Nov30 pa ang opening ceremony!

323 Shares

Nang i-ulat ng ABSCBN ang karanasan ng mismong atletang Pilipino sa SEA Games 2019 patungkol sa almusal na kikiam, itlog at kanin ay marami pa rin sa mga fanatics ni Pangulong Duterte ang buong pusong pinagtatanggol ang mga kapalpakang totoong nangyayari.

Sa kagustuhang maipagtanggol ang administrasyon ni Pangulong Duterte laban sa mga critics ng mga kapalpakang nakikita ng marami related sa SEA Games 2019 ay inakala ng isang fanatic ni Pangulong Duterte na tapos na ang opening ceremony ng SEA Games.

Specific niyang pinagtawanan ang pagiging bias kuno ng ABS-CBN dahil hindi raw nire-report ang mga magagandang balita related sa SEA Games.

Isa na raw dito ang magandang fireworks ng “opening games” na makikita sa isang video.

“Hahahahaha d HAPPY NA NAMAN MGA DILAWAN NITO.. CONGRATZ ALSO ABSCBN for the news… Di nyo pa naipapalabas ang magandang nangyari sa opening ceremony ng sea games… hahahahahaha”, ayon sa pagmamayabang na comment ni Maru Garu Agu.

Nagulantang naman ang marami dahil ang totoong schedule ng opening ceremony ng SEA Games ay sa Sabado pa, Nobyembre 30.

“Maku Garu Agu syempre! Sa november 30 pa yun eh. Ano mag imbento??? Ayan kasi naubos na utak nyo kakahimod sa tae ng administrasyong ito.”, sagot naman ni Nikko Paolo Cabilao.

“Maku Garu Agu hum. Opening? Sa 30 pa kaya ang opening. Pinagsasasabi mo dyan?”, saad naman ni DeeDee Marie JaviΓ±ar Holliday.

“Maku Garu Agu halata na wala kang alam. Sa november 30 pa ang ceremony tanga”, comment ni Bryan Malsae na tila may kasama nang pagkainis.

Hindi naman nagpapigil ang tagapagtanggol ng administrasyon at nagbigay ng link upang patunayan ang kanyang unang post na “magandang nangyari sa opening ceremony”.

Legit naman ang link at ito ay nagpapakita nga ng isang video ng fireworks display sa sports stadium sa New Clark City na kung saan makikita rin ang controversial na 50 milyong “kaldero”.

Ngunit malinaw rin sa video na ito ay isang pag-testing lamang ng mga fireworks at hindi talaga ganap na opening ceremony na ng SEA Games.

Sa kabila ng pagtutuwid ng ilang netizens ay mapilit pa rin ang nasabing fanatic at ipinost pa niya ang video sa kanyang Facebook wall na may caption na “SEA GAMES OPENING KALA KO FAIL #ABSCBNπŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘”

Naalala tuloy ng ilan sa mga nag-comment na totoong marami pa rin ang mabilis mapaniwala at naninindigan sa obvious na mali.

Ano ang masasabi mo dito?