pilipinas-rocks-advance survey leni robredo dds poll

Duterte Unite Ph presidential online poll, si VP Leni na naman ang nangunguna!

219 Shares

Mukhang walang kadala-dala ang mga pro-Duterte at pro-BBM na Facebook pages sa kanilang mga presidential online polls.

Sa mga nakaraang linggo ay sunod-sunod ang mga online polls para sa susunod na Presidente ng Pilipinas. Karamihan sa mga resulta ng mga online polls na mula mismo sa mga Facebook pages ng mga taga suporta ni Pangulong Duterte at Bongbong Marcos ay si Vice President Leni Robredo ang nangunguna.

Miyerkules, June 10, 2020 ay nag “advance survey” na naman sila, at ilang oras lamang ang lumipas ay pumayagpag na naman ang pangalan ni VP Leni sa kanila mismong online poll.

Makikita sa image post na angry emoticon pa ang ginamit para kay Leni Robredo. Ginamitan pa ito ng larawan ni VP Leni na hindi naka-smile tulad ng larawan ng ibang mga pagpipilian.

Ganunpaman, wala pa sa kalahati ang nakuhang boto ng kandidato nila kumpara sa botong nakuha ni VP Leni. Out of 8,000+ na mga nakilahok ay 5,000 ang nais maging Presidente si VP Leni simula 2022.

Kumbaga sa balwarte ay tinumba ni VP Leni ang mismong mga manok nila. Kailan sila madadala?

Ang national election ay inaasahan sa 2022 pagkatapos ng termino ni Pangulong Duterte.

loading...